Pagbebenta ng frozen meat sa wet market, bawal
ni Ryan Sison @Boses | November 14, 2023
Undersecretary Deogracias Victor Savellano ang mga vendor at mga nagbebenta ng frozen meat sa mga pamilihan na dapat na sumusunod sila sa itinatakda ng batas at tiyaking maayos ang kanilang mga paninda.
Paliwanag din ni Savellano na dahil sa kawalan ng refrigeration facilities at maaaring kulang sa kaalaman ang mga vendor sa pagbebenta ng mga frozen meat, posibleng magkaroon ng kontaminasyon at bacteria ang mga naturang karne na magdudulot ng panganib sa kalusugan ng mga mamamayan.
Sa ngayon ay nakikipagtulungan na ang ahensya sa Department of Trade and Industry (DTI) para tanggalin kung mayroon mang hazardous o peligrosong frozen products sa mga pampublikong wet market.
Giit pa ni Savellano, mahigpit na ipinagbabawal ang pagbebenta ng mga frozen meat sa mga wet market, alinsunod sa DA Administrative Order 6-2012.
Tama lang na pinag-iingat tayo ng kinauukulan hinggil sa pagbili natin ng mga frozen meat.
Ngayon na kasi ang panahon na marami sa atin ang namimili ng mga naturang karne at mga pagkain para i-stock ito sa ating refrigerator bilang paghahanda na rin natin sa Pasko at Bagong Taon.
Marahil, dapat na suriin nating mabuti ang mga bibilhin hindi lamang mga frozen meat, kundi pati iba pang pagkain at tingnan maging ang expiration date nito.
Mainam din ang naging desisyon ng kinauukulan na alisin na ang mga peligrosong frozen products sa mga wet market upang hindi na makaperhuwisyo pa at makaapekto sa kalusugan ng taumbayan.
Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com





Comments