top of page
Search
  • BULGAR

Pagbawas ng kapasidad ng PUVs, kakayanin pa ba?

ni Ryan Sison - @Boses | June 18, 2022


Nasa eksperto ang desisyon kung kailangang bawasan ang bilang ng mga pasahero sa mga pampublikong sasakyan dahil sa dumaraming COVID-19 cases.


Ito ang sinabi ng Inter-Agency Task Council for Traffic (IACT), kung saan binigyang-diin pa na hindi sila maaaring magdesisyon agad habang walang pahayag ang mga eksperto at sumusunod lamang sila sa itinatakda ng mga kinauukulang ahensya.


Sa ngayon, pinapayagan ang full seating capacity sa mga pampublikong sasakyan. Habang ipinagbabawal ang mga nakatayong pasahero, pagkain sa mga sasakyan at kailangang nakasuot ang mask sa lahat ng oras.


Matatandaang unang hinimok ng OCTA Research Group ang gobyerno na pag-aralan ang pinapayagang kapasidad sa mga pampublikong sasakyan at establisimyento.


Samantala, kabilang ang Metro Manila sa mga lugar na patuloy na nasa Alert Level 1 hanggang sa katapusan ng Hunyo.


Batid nating para sa kaligtasan din ng lahat ang hakbang na ito, ngunit kung irerekomenda ng mga ekspertong bawasan ang kapasidad ng mga PUVs, malaking problema ‘yan.


Sa ngayon, nagkukulang na ang mga pampublikong sasakyan dahil mas kaunti na ang bumabiyahe sa Metro Manila. At dahil pa rin ‘yan sa patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo.


Kaya kung magbabawas pa ng kapasidad sa PUVs, mas magiging mahirap ang pagbiyahe. Ang ending, mga komyuter na naman ang kawawa.


Gaya ng panawagan natin sa gobyerno at eksperto, sana’y may balanseng solusyon tayo rito.


Nauunawaan nating kailangang bantayan ang banta ng COVID-19, pero isaalang-alang din ang kapakanan ng mga komyuter.


Masyado na silang maraming kalbaryo, ‘wag na nating dagdagan.

 

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page