top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Pagbangon mula sa pandemya, oks lang na mabagal, basta umuusad!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 31, 2021
2 min read

@Editorial | January 31, 2021



Hindi lahat ng bagay ay nakukuha nang mabilisan. Marami pa rin ang nangangailangan ng mahabang panahon at grabeng pasensiya. ‘Ika nga, ayos lang na mabagal, basta umuusad.


Tulad ng dinaranas natin ngayong pandemya dulot ng COVID-19.


Hindi sapat ang isa, dalawa o tatlong taon para tuluyang masabi na kontrolado na natin ang sitwasyon at puwede na tayong bumalik sa normal o sa sinasabing ‘new normal’.


Ganundin sa estado ng ating ekonomiya. Sa ngayon, marami pa ring negosyante ang pinipilit na labanan ang epekto ng pandemya. Araw-araw ay sinisikap nilang kumita o kahit makabalik-puhunan man lang para kinabukasan ay puwede pang magbukas.


Bagama’t, batay sa pagtaya ng grupo ng mga employer, hanggang 2022 pa bago tuluyang makabawi ang Pilipinas.


Anila, hindi maaaring madaliin ang proseso ng panunumbalik ng mga negosyo, lalo’t hindi pa nasisimulan ang vaccination program. Ito ang isa sa magsisilbing susi upang mabawasan ang pangamba ng taumbayan na lumabas at mamuhunan.


Sa ngayon, isa sa dapat umanong pagtuunan o unahin ay ang problema sa public transport system at border policy. Bagama’t, limitado ang paglabas ng mamamayan, kapansin-pansing marami pa rin ang hirap sa biyahe. May iba na pikit-matang namamasahe nang mahal, habang meron ding nagtitiis na maglakad o magbisikleta, papasok ng trabaho at pauwi ng bahay.


Isa pa sa dapat tutukan ay ang epekto ng African Swine Fever (ASF) na nagreresulta ng pagtaas sa presyo ng mga bilihin.


Higit sa lahat ang walang katapusang isyu sa telcos. Maraming naka-work-from-home ang napipilitan na lang pumasok sa opisina dahil sa palpak na internet connection. Ganundin ang mga titser at estudyante na naka-online classes, hirap na hirap, na kung puwede lang mag-face-to-face ay ginawa na.


Sa ngayon, ilan lamang ito sa mga dapat tutukan dahil sa mga darating na panahon ay ito rin ang makatutulong para tuluyang makabawi ang ating ekonomiya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page