top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Pagbabawal sa ‘di bakunadong guro sa F2F classes, ‘di diskriminasyon, nag-iingat lang!

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 7, 2022
2 min read

ni Ryan Sison - @Boses | February 07, 2022



Sa gitna ng planong palawakin ang face-to-face classes, hinikayat ni Education Secretary Leonor Briones ang mga guro na magpabakuna kontra COVID-19 para sa kanilang proteksiyon.


Sa isang virtual press conference, nilinaw ng kalihim na hindi papayagang makalahok sa face-to-face classes ang mga tauhan na hindi bakunado, kabilang ang mga guro.


Samantala, ang mga gurong hindi haharap sa mga estudyante ay maaaring mag-report onsite, pero kailangang magpakita ng negatibong resulta ng RT-PCR at antigen test.


Gayundin, maaaring gumawa ng alternative work arrangement ang mga unvaccinated teachers at school personnel at maglalabas ng direktiba ang mga regional director batay sa umiiral na alert level sa kanilang nasasakupan.


Matatandaang sa expansion phase ng face-to-face classes, kailangang matiyak na sumusunod ang paaralan sa standards of the School Safety Assessment Tool (SSAT) at dapat nasa lugar na umiiral ang Alert Levels 1 at 2, batay sa periodic risk assessment ng Department of Health (DOH).


Gayunman, ang mga lalahok na paaralan ay maaaring magsama ng ilang grade level, batay sa kapasidad ng eskuwelahan.


Mahalagang matiyak na ligtas ang mga mag-aaral at guro sa gagawing pagpapalawig ng face-to-face classes.


At isa sa mga hakbang ay kailangang may sapat na proteksiyon ang mga guro laban sa COVID-19, lalo pa’t hindi lahat ng estudyante ay bakunado.


Gayunman, nililinaw din natin na ang kautusang ito ay hindi diskriminasyon, kundi bahagi lamang ng pag-iingat dahil kailangang maipagpatuloy ang magandang simula ng face-to-face classes, kung saan matatandaang walang naitalang hawahan.


At sa susunod na mga araw, umaasa tayong magiging maayos at ligtas ang pagbabalik ng face-to-face classes sa bansa.


Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page