top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Pagbabawal ng e-vehicles sa Nat’l Road, dapat lang para iwas-disgrasya

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 1, 2024
1 min read

@Editorial | Marso 1, 2024


Maituturing na ngang bagong hari ng kalsada ang mga e-trike at e-bike dahil sa biglaang pagdami ng mga ito sa lansangan. 


Gayunman, bilang na lang ang araw ng mga ito dahil sa ipinasang resolusyon na magbabawal sa kanila na dumaan sa mga national road.


Hindi naman maitatanggi na mas murang alternatibong sasakyan ang mga e-trike/e-bike para makatipid sa pamasahe, ngunit tila hindi sapat ang kaalaman ng mga drayber ng mga ito dahil sa kabilaang aksidenteng kinasasangkutan ng mga ito at maraming hindi sumusunod sa batas-trapiko.


Kaugnay nito, ang mga lalabag sa naturang regulasyon ay pagmumultahin umano ng P2,500, at ang mga e-vehicle na walang maipapakitang driver’s license ay i-impound agad ang sasakyan.


Kaya naman patuloy ang panawagan sa mga drayber na sumunod sa alituntunin upang iwas-disgrasya.


Inaasahan na maipapatupad ito sa Abril kaya habang maaga pa ay sikapin nang asikasuhin ang mga dapat na asikasuhin upang iwas-abala rin sa atin.


Panawagan naman sa kinauukulan, sana ay hindi lang sa umpisa ang istriktong implementasyon, dapat ay tuluy-tuloy. Hindi ‘yung matapos ang ilang buwan ay balik na naman sa dating gawi na hahayaan na naman ang mga pasaway na e-vehicle sa mga lansangan. 


‘Wag na sana tayong magpasaway.


Matutong sumunod sa batas para iwas-disgrasya at ‘di makaperhuwisyo, plis lang. 

 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page