top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Pagbabalik-trabaho ng mga manggagawa, good news!

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 9, 2022
2 min read

ni Ryan Sison - @Boses | February 09, 2022



Mas mababang alert level, mas maraming makakabalik sa trabaho.


Ito ang inaasahan ngayong nasa Alert Level 2 na ang National Capital Region (NCR) kung saan ayon sa Department of Trade and Industry (DTI), base sa datos ay tinatayang aabot sa 100,000 hanggang 200,000 ang bilang ng mga manggagawang makakabalik sa trabaho.


Habang ayon naman sa pagtaya ng National Economic and Development Authority (NEDA), aabot sa 15,000 ang bilang ng mga trabahong magbabalik kada linggo.


Sa ilalim ng Alert Level 2, nadagdagan ng 20% ang bilang ng pinahihintulutang operating capacity sa indoor at outdoor venue sa ilalim ng Alert Level 2. Ibig sabihin, magiging 50% ang dating 30% indoor capacity sa bawat establisimyento, habang palalawigin naman sa 70% ang operating capacity ng outdoor establishments mula sa dating 50%.


Matatandaang base sa datos ng Department of Labor and Employment (DOLE), nasa kabuuang 13,000 ang bilang ng mga apektadong manggagawa na natigil at nawalan ng trabaho sa unang dalawang linggo ng implementasyon ng Alert Level 3 sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa.


Magandang balita na kasabay ng pagluluwag ng restriksiyon ay ang pagbabalik ng hanapbuhay ng marami nating kababayan.


Ibig sabihin, mas maraming makakapagtrabaho, mas makakabangon ang ekonomiya. Kumbaga, win-win sa pamahalaan at mamamayan.


Pero asahan din nating hindi lamang ang mga manggagawa ang lalabas ng kani-kanilang tahanan. Nariyan din ang mga nais maglakwatsa dahil nabuburyong na sa bahay. Panawagan lang natin, hinay-hinay sa paglabas dahil may virus pa. Tiyaking paiiralin ang disiplina sa lahat ng pagkakataon at hindi kung kailan n’yo lang gusto.


Tandaan, ang mga pagluluwag ay hakbang upang maibangon ang ekonomiya at hindi para umasta tayo na wala nang virus.


Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page