top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Pagbabalik ng ‘sex tourism’, ‘wag dedmahin

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 12, 2023
1 min read

@Editorial | November 12, 2023


Mismong Bureau of Immigration (BI) na ang nagpahayag ng pagkaalarma sa ‘sex tourism’ sa Pilipinas.


Ito ay sa gitna ng pagtaas ng bilang ng mga naaarestong sex offenders na nagtatangkang makapasok sa bansa.

Matatandaang sa mga nakalipas na buwan, marami ang mga naharang na dayuhang una nang na-convict bilang sex offenders sa kani-kanilang bansa.

Pinakahuli ang isang Amerikano na naharang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na kinilalang si Terry Lynn Spies. Siya ay naharang noong Nobyembre 3 matapos magtangkang pumasok sa bansa mula sa Taiwan at agad ding napa-deport sa US.

Batay sa record ng BI, si Spies ay isa lamang sa 140 dayuhan na hindi pinayagang makapasok sa bansa na pawang mga na-convict dahil sa iba’t ibang sex crimes.

Ayon sa BI, posibleng nagbabalik ang ‘sex tourism’ sa bansa dahil sa tuluyan nang pagbubukas ng Pilipinas, matapos ang COVID-19 pandemic.

Kaugnay nito, dapat mas higpitan ang koordinasyon sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno para makakuha ng mas klarong profile ng mga sex offenders na nagtatangkang makapasok sa Pilipinas.

Kailangang maipatupad sa lahat ng pagkakataon ang Philippine Immigration Act of 1940, kung saan ang mga indibidwal na una nang na-convict sa mga krimen na may kinalaman sa moral turpitude, kasama na ang mga sex offenders, ay hindi dapat payagang makapasok sa bansa.


Bukod sa lumalalang pang-aabuso online, sunud-sunod din ang mga natutuklasang establisimyento na ginagawang pugad ng prostitusyon na pawang mga dayuhan ang nasa likod ng operasyon.


Panawagan sa mga awtoridad, mas paigtingin ang pagbabantay at pagtugis sa mga sindikato. Huwag nating hayaan na babuyin ang ating bansa.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page