top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Pagbabago sa lipunan, bigong magawa ng kabataan

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 13, 2021
1 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | March 13, 2021



Pinagdududahan na ang kalidad ng AstraZeneca vaccines.


Huh, “nagsisiraan” na ang mga vaccine manufacturers!


◘◘◘


Nanawagan si Sen. Manny Pacquiao na iwasan ang maagang pamumulitika.


Panawagan ito ng isang pulitiko!


◘◘◘


Nagbubuo ng alyansa ang mga bansang kontra sa paghahari-harian ng US.


Pangungunahan ito ng China, Iran at North Korea!


◘◘◘


Isinusulong nito ang pagtatanggol sa probisyon ng United Nations Charter na tinatangka ng U.S. na diktahan.


Saan papanig ang ‘Pinas?


◘◘◘


Ang alyansang ito ay maaaring mabunsod ng digmaan pandaigdig kapag nauwi sa isang global military alliance.


Hindi natatapos ang krisis sa COVID, gumagrabe pa!


◘◘◘


Ang anumang giyera-mundial ay nag-uugat sa krisis sa ekonomiya.


At ito ay bunga ng hindi maayos na kaisipan ng mga bopol na lider ng daigdig!


◘◘◘


Kinakailangan ng daigdig ay isa pang Mahatma Gandhi, Jesus Christ o isang Buddha.


Malabong isilang ito sa panahon ng pandemic!


◘◘◘


Kahit sa Pilipinas ay wala tayong nakikitang ganap na “statesman” sa mga nakaupo sa pamahalaan.


Bopol din kasi ang mga botante!


◘◘◘


Ang mga nagwawagi sa eleksiyon ay hindi mga kuwalipikado bagkus ay kung sino ang mga “dirty money” sa itinutustos sa kampanyang immoral at labag sa batas.


Ang Comelec ay inutil na masawata ang hindi patas pangangampanya!


◘◘◘


Kung sino ang gambling lord, kung sino ang ismagler, kung sino ang nagnanakaw sa gobyerno at kung sino ang tinutustusan ng drug lord—ay siya ang nagwawagi sa eleksiyon.


Kung sino ang magbigay nang personal na pabor sa botante, siya ang nagwawagi.


Nakakaaawa ang mga kabataang apektado ng maling pagpili ng mga lider sa hinaharap!


◘◘◘


Bigo ang hanay ng kabataang magsulong ng seryosong pagbabago sa lipunan.


Iisa ang dahilan nito.


Ito ay ang kawalan ng isang dalisay na ideolohiyang tunay na maka-Filipino!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page