Pagawaan ng paputok sumabog, 4 todas

by Mai Ancheta @News | November 6, 2026

Photo: Pagsabog sa pagawaan ng paputok sa Brgy. Tabo Sili, Malasiqui, Pangasinan - Circulated
Apat katao kabilang na ang isang pitong taong gulang na bata ang nasawi makaraang sumabog ang pagawaan ng paputok sa Brgy. Tabo Sili, Malasiqui, Pangasinan nitong Miyerkules ng gabi, November 4.
Bukod sa apat na nasawi, isa ang iniulat na nawawala sa insidente.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, hinihinalang ilegal ang pagawaan ng paputok na nasa isang abandonadong piggery.
Sinabi ng ilang residente na bago sumiklab ang sunog ay nakarinig sila ng malakas na pagsabog, kasabay ang pagyanig sa kalapit na mga kabahayan.
Nadamay sa sunog ang isang sasakyang nakaparada malapit sa lugar.





Comments