Cargo boat tumaob, 7 nawawala

ni Levi Gonzales @News | November 6, 2026

Photo: Coast Guard Station Northern Quezon
Pitong tripulante ang nawawala matapos tumaob ang isang cargo boat sa karagatang sakop ng Jomalig at Balesin Island sa Polillo, Quezon.
Batay sa paunang imbestigasyon, umalis ang bangkang MV AC mula Jomalig bandang alas-3 ng madaling-araw patungong Atimonan upang maghatid ng kopra nang salubungin ito ng malalaking alon hanggang sa tuluyang tumaob.
Kabilang sa mga nawawala ang 62-anyos na kapitan ng bangka at anim pang tripulante, na pawang residente ng Brgy. Talisoy, Jomalig.
Patuloy ang search and rescue operation ng Philippine Coast Guard, pulisya at lokal na disaster response team upang mahanap ang pitong nawawala.





Comments