top of page
BIDA - SARAH, NAMAMAGA NA ANG MUKHA, OBYUS NA BUNTIS_FB Sarah Geronimo.jpeg

Sekyu, kinuyog, ginapos, P200K natangay... Conti's, nilooban ng 7 holdaper

Writer: BULGAR
BULGAR
18 hours ago
1 min read

ni Levi Gonzales @News | November 6, 2026



Contis Resto na nilooban ng 4 na holdaper - Circulated - Ronnie G. Caringa - FB

Photo: Circulated / Ronnie G. Caringal - FB


Apat na hinihinalang sangkot sa panloloob sa Conti's Bakeshop & Restaurant sa Brgy. Sabang, Lipa City, Batangas ang naaresto ng pulisya, habang tatlo pa nilang kasabwat ang tinutugis.


Ayon sa pulisya, naganap ang panloloob alas-2 ng madaling-araw. Makikita sa kuha ng CCTV ang ginawang pagkuyog ng mga suspek sa sekyu saka ginapos. Tinatayang P200,000 cash ang natangay.


Dalawa sa mga suspek, edad 25 at 26, ang nadakip sa magkahiwalay na operasyon sa Tondo at Binondo, Maynila, at positibong kinilala ng security guard ng establisimyento.

Dalawa pang suspek ang naaresto sa follow-up operation. Narekober din ang isang puting Bajaj Toktok na umano'y ginamit bilang getaway vehicle.


Patuloy na pinaghahanap ang tatlo pang suspek na may alyas na Rommil, Daniel at Jayson, habang inihahanda ang mga kasong isasampa laban sa mga naaresto.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page