top of page
Search
  • BULGAR

'Pag tinanong ng English sa Bb. Pilipinas... WILLIE KAY HIPON: MAG-INTERPRETER KA

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | May 12, 2022



Sa bagong uploaded vlog ni Herlene Nicole Budol a.k.a. Hipon Girl ay makikitang kausap niya si Willie Revillame, ang kanyang mentor sa pagiging celebrity.


Binigyan ng advice ni Kuya Wil si Herlene tungkol sa beauty pageant.


Matatandaang nakapasok si Hipon Girl sa Top 40 ng Binibining Pilipinas 2022 pageant.


Ang payo ni Kuya Wil sa dati niyang lady co-host sa Wowowin, “Be yourself. Kung ano ka, kung ano 'yung sinimulan mo sa Wowowin, 'yun ka. 'Pag tinanong ka na mag-English, (dapat) meron kang interpreter."


Pero bumawi rin ito, "Joke lang 'yun, pero be yourself.”


Nagbigay pa siya ng example ng sasabihin, "I am Filipina. Gusto ko, sagutin 'to na para maintindihan ng aking mga kababayan. Hindi pa naman ako winner. Gusto kong sumagot ng kung ano ako at kung ano'ng dapat nilang maintindihan."


Ayon naman kay Herlene, Tagalog ang salitang gagamitin niya sa pageant.


Sabi pa ni Kuya Wil, “Panoorin mo si Pia (Wurtzbach), the way she answers, si Catriona (Gray), si Gloria Diaz. Panoorin mo sila lahat, kung paano sila sumagot.”


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page