top of page
Pokwang.jpg

'Pag naging sila ni John Lloyd… BEA: WALA NANG LIGAWAN, KASAL AGAD!

BULGAR
Mar 17, 2021
1 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | March 17, 2021




Para kay Bea Alonzo, si John Lloyd Cruz pa rin ang pinaka-hot sa lahat ng mga naging leading men niya. Although, wala raw itong abs, ibang level ang pagka-hot nito.


“Nagka-abs siya nu'ng nag-Century pero most of the time that I’ve worked with him, wala naman siyang abs. Pero I think he’s hot because he’s… matalino siya, magaling siyang umarte,” pahayag ni Bea sa one-on-one interview sa kanya ni Ethel Booba.


“I’m attracted to him intellectually,” dagdag pa ni Bea.


When asked kung may pag-asa ba si Lloydie kung sakaling manliligaw ito sa kanya, ani Bea ay hindi na sila kailangang umabot sa ligawan.


“Kung sakaling magiging kami, hindi kami aabot sa ligawan na kasi 20 years na kami halos magkasama, so there is nothing to discover,” she said.


“Kasal na agad, char!” dagdag niya sabay-tawa. Binawi rin naman niya ito agad at sinabing “Joke lang.”


Paliwanag niya pa, “Kasi ang tagal na naming magkakilala, nakakatawa naman ‘yun kung dadaan pa kami sa girlfriend-boyfriend.”


Inamin din ng aktres na kung siya ang masusunod, in 3 years ay gusto na niyang magka-asawa at magka-anak.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page