‘Pag nag-aaway sila ni Mariel… SEN. ROBIN, NAGKUKULONG SA KUWARTO AT AYAW KUMAIN
- BULGAR

- Jul 5, 2025
- 3 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 5, 20255
Photo File: Robin Padilla - IG
Sa isang interview, sinabi ni Sen. Robin Padilla na kapag may away sila ni Mariel Rodriguez at nagtatampo siya, ilang araw siyang nagkukulong sa kanyang kuwarto at hindi kumakain. Para na rin siyang nagpa-fasting.
Pero dinadalhan pa rin siya ng pagkain ni Mariel kahit may tampuhan sila. Iniiwan na lang ni Mariel ang pagkain sa labas ng kuwarto ni Sen. Robin.
Hindi natitiis ni Mariel ang kanyang mister at patuloy sa pagdadala ng pagkain kahit hindi ito ginagalaw.
Ganunpaman, kapag malamig na ang ulo ni Sen. Padilla ay saka sila nag-uusap ni Mariel. Bilang padre de pamilya, hindi naman siya nagkukulang sa kanyang obligasyon sa mga anak. Sinisikap niyang bigyan ng quality time ang kanyang pamilya.
Isa rin siyang mapagmahal na anak. Marami ang na-touch nang mapanood ang post ni Sen. Robin kung saan kinakantahan niya ang kanyang ina na si Eva Cariño na nakaupo sa wheelchair.
Isang madamdaming version ng Anak ni Freddie Aguilar ang inialay ni Sen. Robin sa kanyang mahal na ina.
Malaki ang naging sakripisyo ni Mommy Eva sa kanyang mga anak na lalaki, kaya ngayon ay bumabawi si Sen. Robin Padilla.
Turned-off sa nanligaw na aktor noon…
BEA, AYAW SA LALAKING DUGYOT
Importante para kay Bea Alonzo ang personal hygiene ng mga lalaking nagpaparamdam sa kanya. Ayaw na ayaw niya sa dugyot at hindi ito papasa sa kanya kahit gaano pa ito kaguwapo.
Kuwento ni Bea sa isang interview, may isa raw aktor ang nanligaw sa kanya noon pero na-turn-off agad siya dahil hindi ito malinis sa katawan.
Gusto naman ni Bea ay lalaking mabango na parang baby. Kahit daw hindi masyadong guwapo, basta maalaga sa katawan.
Naiintriga tuloy ang mga netizens at gustong malaman kung sino ang aktor na tinutukoy niya na dugyot. Naging leading man kaya niya ito sa isa niyang pelikula?
Sayang na sayang si Dominic Roque dahil bukod sa guwapo na ay mukhang napakabango pa at ang linis-linis sa katawan. Hindi nga lang siya kasingyaman ni Bea Alonzo at ‘yun ang setback niya.
NAGSU-SHOOTING na ngayon ang cast ng Bar Boys (BB) sequel na After School. Kasama rito sina Carlo Aquino, Kean Cipriano, Enzo Pineda, Odette Khan, atbp..
Hindi na nakasama si Rocco Nacino dahil sa unang istorya ng BB ay nag-quit siya sa law school at hindi nagtuloy na maging abogado.
Ang BB ay ipinalabas noong 2017. Ito ay isinulat, idinirek, at co-produced ni Kip Oebanda.
Well, nagmarka ang role ng veteran actress na si Odette Khan sa movie bilang terror na professor. Malaki ang naging bahagi niya sa buhay ng mga law students na magkakaibigan.
Nanalong Best Supporting Actress si Odette Khan at kinilala ng iba’t ibang award-giving bodies. Marami sa mga nakapanood noon ng BB ang interesadong malaman kung ano ang naging kapalaran ng mga law students. Nagtagumpay kaya sila sa landas na tinahak?
‘Yan ang malalaman sa sequel ng pelikula.
KAHIT mahigit dalawang dekada na si Michael V. bilang komedyante, hindi pa rin siya nakukuntento at patuloy na nag-iisip ng mga bagong skits para sa sitcom niyang Pepito Manaloto (PM) at Bubble Gang (BG). Gusto niya ay may bago silang ihahandog sa mga viewers upang hindi magsawa ang mga ito sa kanilang programa.
Almost 30 years na ang BG at 15 years naman sa ere ang PM. Enjoy naman si Michael V. sa kanyang ginagawa.
Kung tutuusin, bibihira sa mga TV shows ang nagtatagal ngayon sa ere. Kaya nagpapasalamat ang PM na patuloy na tinatangkilik ng mga viewers ang kanilang show.
Si Michael V. ang nasa likod ng tagumpay ng PM. Hindi nauubusan ng magaganda at nakakatuwang ideya ang aktor-direktor.
At maraming viewers ang nakaka-relate sa bawat episode dahil Pinoy na Pinoy ang concept nito at akma sa bagong henerasyon ng mga viewers.










Comments