top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

‘Pag maayos na kalsada, sinira at saka inayos uli, malamang may korupsiyon

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 27, 2024
2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Marso 27, 2024


MGA ‘MANOK’ NI EX-P-DUTERTE BABANGGAIN ANG MGA ‘MANOK’ NI PBBM SA PAGKA-SENADOR -- Kinumpirma ng executive committee ng partidong PDP-Laban na pinamumunuan ni ex-P-Duterte na bubuo sila ng mga kandidato sa pagka-senador sa 2025 midterm election.


Patunay ‘yan na giba na ang UniTeam ng Marcos-Duterte kasi nga talagang babanggain ng partido ni ex-P-Duterte ang mga magiging manok ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) sa 2025 election, period!

◘◘◘


MGA ‘MANOK’ NI PBBM SA PAGKA-SENADOR, TIYAK KABADO SA MGA ‘MANOK’ NI EX-P-DUTERTE, KASI ANG DAMI PA RING MGA DDS -- Dahil deklarado nang magkakaroon ng kumpletong line-up sa senatorial election ang PDP-Laban ay hindi maiaalis na kabahan ang mga magiging “manok” ni PBBM sa midterm election.


Sa rami kasi ng mga Duterte Diehard Supporters (DDS), mas malaki ang tsansa na majority sa mga “manok” ni ex-P-Duterte sa pagka-senador ang magwagi sa halalan, kaysa sa mga “manok” ni PBBM sa pagka-senador, abangan!


◘◘◘


SANA MGA SIRANG KALSADA LANG ANG AYUSIN NG DPWH AT HINDI MANINIRA NG MAAYOS NA KALSADA AT SAKA AAYUSIN ULI -- Inanunsyo ng tanggapan ni Dept. of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Manuel Bonoan na sasamantalahin nila ang Holy Week para ayusin ang mga sirang kalsada sa Metro Manila.


Sana nga ‘yung mga sirang kalsada lang ang aayusin ng DPWH at hindi maninira ng maayos na kalsada at saka aayusin.


Sa totoo lang kasi, nagdududa na ang publiko na may korupsiyon kapag ang maayos na kalsada ay sinira at saka gagawin o aayusin uli, period!


◘◘◘


MAY MGA NPA PA, KAYA IYONG IBINIDA NI PBBM NOON NA WALA NG NPA SA ‘PINAS, FAKE NEWS! -- Dahil sa sunud-sunod na engkwentro sa mga lalawigan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at mga komunistang New People’s Army (NPA) ay inatasan ni PBBM ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na puksain na ang 11 guerilla fronts ng NPA sa buong bansa.


Patunay ang utos na ‘yan ni PBBM na fake news lang ang ibinida ng Presidente noong January 14, 2024 na wala na raw NPA sa ‘Pinas, boom!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page