top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Pag-leak ng mga files ng gobyerno, tutukan

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 22, 2023
1 min read

@Editorial | April 22, 2023


Maituturing na matinding alalahanin ang naiulat na data breach sa mga files ng Philippine National Police (PNP) at maging sa iba pang ahensya ng gobyerno.


Bilang tugon, iniimbestigahan na rin ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang insidente na kinabibilangan ng mahigit 1.2 milyong talaan ng mga law enforcement agencies sa bansa.


Nagsabi na rin ang Cyber Security Bureau at National Computer Emergency Response Team (NCERT) na sila'y nagdoble sa pagsisiyasat sa nasabing data leak.


Matatandaang, isang hindi protektadong database na naglalaman ng humigit-kumulang 1.28 milyong mga dokumento ng pagkakakilanlan at pribadong talaan ng mga tauhan at aplikante ng PNP ang nalantad online.


Kaugnay nito, nanawagan din sa lahat ng ahensya ng gobyerno na makipag-ugnayan sa pagpapalakas ng cybersecurity measures.


Isa pa sa dapat tutukan ay ang pamamayagpag ng mga hackers. Hindi dapat natutulog sa pansitan ang mga awtoridad, lalo na kung malalagay sa alanganin ang seguridad ng bansa.


Gamitin ang pondo at mga makinarya para maproteksyunan ang mahahalagang bagay at tugisin ang mga nasa likod ng ilegal na gawain.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page