Pag-IBIG MP2 at home loans, pinaka-mataas mula Enero-Abril 2021
- BULGAR
- Jun 11, 2021
- 3 min read
ni Fely Ng - @Bulgarific | June 11, 2021
Hello, Bulgarians! Naitala ng Pag-IBIG Fund ang kanilang mga tagumpay sa unang apat na taon ng 2021.
Record-high ang naihulog ng mga miyembro nito sa kanilang voluntary savings program, gayundin ang halagang naaprubahan sa kanilang housing loan program sa kabila ng COVID-19 pandemic, ayon sa mga opisyal ng ahensiya noong Biyernes, Hunyo 4.
Mula Enero hanggang Abril, umabot sa P8.65 bilyon ang naipon ng mga miyembro sa ilalim ng Modified Pag-IBIG 2 (MP2) Savings program. Sa kabilang banda, umabot naman sa P27.39 bilyon ang nai-release na home loans. Nakatulong ito sa 27,041 miyembrong matupad ang pangarap na mag-ari ng sariling bahay.
“We are happy to report that we were able to achieve two ‘highest-ever’ numbers early on in 2021. The strong showing of our MP2 and housing loan programs is a testament to the trust of Filipino workers in Pag-IBIG Fund. Our members can rest assured that we will continue doing our best, so that we can provide them high earnings on their savings while maintaining the low interest on our loans. These are our contributions to the national government’s efforts towards economic recovery under the lead of President Duterte,” pahayag ni Sec. Eduardo D. del Rosario ng Department of Human Settlements and urban Development (DHSUD) na siya ring namumuno sa 11-member Pag-IBIG Fund Board of Trustees.
Noong 2020, nag-impok ng P13.3 bilyon ang mga miyembro sa MP2. Mas mataas ito ng 11% mula sa 2020. Ito ang pinakamataas na halagang naimpok sa loob ng isang taon. Record-high din ang home loans ng Pag-IBIG Fund noong Disyembre noong nakaraang taon, sa pag-aapruba ng ahensiya ng P12.11 bilyon para rito. Ito ang pinakamataas na halagang na-disburse sa isang buwan.
Magandang senyales ang mga ito para kay Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Acmad Rizaldy P. Moti. Naniniwala si Moti na magpapatuloy ang mahusay na performance ng ahensiya sa mga natitirang buwan nitong 2021, lalo na’t unti-unting bumabangon ang ekonomiya ng bansa. Binigyang-pansin din niya ang mahusay na performance ng MP2 Savings noong nakaraang taon, at ang dumaraming nai-rerelease ng home loans mula last quarter ng 2020 hanggang simula ng 2021. Ayon sa kanya, kahit na nasa gitna tayo ng krisis pangkalusugan, tumaas ng 81% ang nakolekta sa MP2 Savings mula Enero hanggang Abril. Tumaas din ang mga home loan na na-release ng 64%, kung ikukumpara sa parehong panahon noong 2020.
“Even with the ongoing pandemic, the amount of home loans released and MP2 Savings collections for the first four months of 2021 are not only record-highs but are higher than what we achieved during the same period in 2019, prior to the pandemic. In the case of our MP2 alone, the amount our members voluntarily saved from January to April this year is already equivalent to two-thirds or 65% of the amount saved in MP2 for the whole year of 2020. We thank our members for their continued trust in Pag-IBIG Fund and in choosing to rely on us for their home financing and savings needs. These give us hope that, barring another black swan event, we are on our way to another best year in fulfilling our mandates to Filipino workers here and abroad,” dagdag ni Moti.
Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.




Comments