Pag-IBIG Fund, NHA, SHFC, nagkasundo para sa programang pabahay sa gobyerno
- BULGAR
- 1 day ago
- 2 min read
ni Fely Ng @Bulgarific | May 13, 2025

Hello, Bulgarians! Ang Pag-IBIG Fund, National Housing Authority (NHA) at Social Housing Finance Corporation (SHFC) ay lumagda sa isang kasunduan noong Labor Day upang magtayo ng halos 8,000 housing units sa mga pangunahing lungsod bilang bahagi ng government’s flagship na Pambansang Pabahay para sa Pilipino o 4PH Program.
Sa ilalim ng kasunduan, ang Pag-IBIG Fund ay magbibigay ng project financing para suportahan ang pagtatayo ng mga housing developments ng NHA at SHFC sa mga estratehikong lokasyon sa Valenzuela City, San Fernando, Pampanga, Davao City at Manila.
“We are happy to report that the Pag-IBIG Fund, NHA and SHFC continue to forge strong partnerships in support of the 4PH Program’s goal of providing quality yet affordable homes, especially to underserved families,” saad ni Secretary Jose Rizalino L. Acuzar, na namumuno sa 11-member Pag-IBIG Fund Board of Trustees at sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD).
“In line with President Ferdinand Marcos Jr.’s directive to close the country’s housing gap, the DHSUD’s key shelter agencies remain united in our mission to ensure that every Filipino family has access to decent and affordable housing,” aniya pa.
Kabilang sa mga bagong proyekto sa pabahay ang isang medium-rise condominium na may 372 units sa Valenzuela City sa pamamagitan ng NHA, gayundin ang mid and high-rise developments sa pamamagitan ng SHFC: 3,440 units sa San Fernando, Pampanga; 1,200 units sa Calinan District, Davao City; 2,135 units sa Tondo, Manila; at 425 units sa Sta. Mesa, Maynila. Ang lahat ng mga proyektong ito ay tutustusan sa pamamagitan ng Direct Developmental Loan Program ng Pag-IBIG Fund, isang pasilidad na specially designed ng ahensya upang suportahan ang pagpapatupad ng 4PH Program.
Sinabi ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Marilene C. Acosta na ang ahensya ay ganap na nakahanay sa housing vision ng administrasyon at binigyang-diin ang papel ng Pag-IBIG Fund sa parehong institutional at individual housing financing.
“This initiative is part of our unwavering commitment to uplift the lives of Filipino workers by providing them with access to safe, decent, and affordable homes,” ani Acosta.
“Through our continued collaboration with NHA and SHFC, we are helping build inclusive communities and contribute to the broader goal of national development,” sabi pa niya.
Sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga shelter agencies, hindi lamang tutustusan ng Pag-IBIG Fund ang pagtatayo ng mga proyektong ito kundi mag-aalok din ng mga end-user housing loan sa ilalim ng affordable terms para sa mga kuwalipikadong benepisyaryo alinsunod sa mga alituntunin ng 4PH.
Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.
Comments