top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Pag-deactivate ng apps sa 'di rehistradong SIM, legal ba?

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 28, 2023
1 min read

@Editorial | April 28, 2023


Nagpapatuloy ang mga kontrobersya sa SIM card registration.


Sa kabila ng pagbasura ng Korte Suprema sa petisyong nagnanais na maharang ang implementasyon ng SIM Registration Act at pagpapalawig sa pagpaparehistro, may isyu pa ring pinag-uusapan.


Kasunod ito ng tila babala ng Department of Information and Communications Technology (DICT) sa mga subscriber na ‘di pa rehistrado ang SIM.


Matatandaang, sinabi ng ahensya na posibleng limitahan ang pag-access ng mga hindi rehistradong subscriber sa ilang aplikasyon at serbisyo sa social media sa panahon ng 90-day extension upang maranasan umano ang kahihinatnan ng hindi pagrehistro ng kanilang mga numero.


Kaugnay nito, inihayag ng National Telecommunications Commission (NTC), na kasalukuyang nakikipagtulungan ito sa mga telecommunication companies upang tingnan ang legalidad ng panukalang i-deactivate ang ilang application at serbisyo ng mobile phone para sa mga user.


Dapat lang na pag-aralan kung legal ito at kung technical itong magagawa sakaling naaayon sa batas.


Iwasan din sana ang paglalabas ng mga panuntunan na hindi pa pinal ang pag-aaral o resolusyon para maiwasan ang kalituhan at gulo.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page