top of page

Pag-atake ng mga rebelde sa Masbate, kinondena

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 27, 2023
  • 1 min read

ni Mylene Alfonso | March 27, 2023




Mariing kinondena ni House Speaker Martin Romualdez ang ginawang sunud-sunod

na pag-atake ng mga komunistang rebelde sa Masbate na malapit pa sa mga paaralan.


Ayon kay Romualdez, nagtataka siya kung bakit tila wala nang pinipiling lugar na aatakihin ang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) dahil kahit malapit sa mga paaralan at may madadamay na mga kabataan ay umaatake pa rin ang mga ito.


Kaugnay nito, pinaalalahanan pa niya ang NPA na mahigpit nang ipinag-babawal ng United Nations ang paggamit ng land mines ng anumang bansa o armadong grupo na nakikibaka sa isang gobyerno.


“Akala ko ba para sa tao o bayan ang pinaglalaban n’yo? Eh bakit parang wala kayong pakialam kung madamay ang sibilyan?” tanong pa ni Romualdez.


Matatandaang isang sundalo ang namatay habang limang iba pa kabilang ang isang paslit, ang nasugatan sa naturang sagupaan sa pagitan ng mga rebeldeng komunista at tropa ng pamahalaan sa Masbate.


Sinuspinde na rin muna ang face-to-face classes sa lalawigan at balik-blended learning ang mga bata doon para matiyak ang kanilang kaligtasan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page