ni Angela Fernando - Trainee @News | February 9, 2024

Nagpahayag ang United States State Department na hindi nila suportado ang gagawing pag-atake ng Israel sa Rafah City.
Ayon kay State Department deputy spokesperson na si Vedant Patel, kailangang magkaroon ng solidong plano ang mangyayaring operasyon dahil milyun-milyong sibiliyan ang mawawalan ng tahanan.
Matatandaang nu'ng sinimulan ng Israel ang mga pag-atake sa Gaza, libong residente nito ang humanap ng seguridad sa Rafah City.
Sa kabila nito, sinabi ng Israeli Prime Minister na si Benjamin Netanyahu na kanilang sasalakayin ang Rafah City matapos sakupin ang karamihan ng mga lugar sa Gaza.
Comments