top of page
Gary V. - IG.jpg

Pag-atake kay Sen. Imee, may basbas kaya ng Malacañang?

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 22, 2024
2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Pebrero 22, 2024



BASTA VP TARGET NG PANINIRA TULAD SA NANGYARI NOON KAY EX-VP LENI AT NGAYON NAMAN KAY VP SARA -- Sinabi ni Vice Pres. Sara Duterte-Carpio na hindi raw siya magtataka kung sa mga susunod na araw ay mas dumami pa ang mga pag-atake at paninira sa kanya dahil daw sa kasaysayan ng Pilipinas ay nakagawian nang inaatake at sinisiraan ang bise presidente, kasi itong posisyong VP daw ang isa sa hadlang sa mga nangangarap maging pangulo ng bansa.


Totoo ang sinabing ‘yan ni VP Sara kasi naranasan na rin noon ni former VP Leni Robredo na pinutakti siya ng paninira ng mga fake news ng vloggers na naging dahilan kaya natalo siya sa nakaraang 2022 presidential election, period!


◘◘◘


HINDI LANG SI VP SARA ANG INAATAKE, PATI SI SEN. IMEE PINUPUTAKTI NA RIN NG PANINIRA -- Hindi lang si VP Sara ang inaatake ng Kongreso, kundi pati si presidential sister, Sen. Imee Marcos ay pinuputakti na rin ngayon ng mga paninira ng mga pro-administration congressmen.


Kaya’t ang tanong: Hindi kaya may basbas na ng Malacanang ang mga pag-atake at paninira kay Sen. Imee, kasi sa totoo lang ay hindi naman maglalakas-loob ang mga cong. na atakehin at siraan ang ate ng presidente kung wala itong bendisyon ng kung sino mang powerful na nasa Palasyo, period!


◘◘◘


SABI NI P-BBM NA ‘DI MAKIKIPAG-COOPERATE ANG MARCOS ADMIN SA ICC, MALAMANG HINDI NA PINANINIWALAAN NI EX-P-DUTERTE -- Sa interview ay nanindigan si Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) na hindi raw makikipag-cooperate ang kanyang pamahalaan sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) patungkol sa extrajudicial killings (EJK) na naganap sa bansa sa panahon ng Duterte administration.


Sa tingin natin ay hindi na paniniwalaan ni ex-P-Duterte ang sinabing ito ni P-BBM kasi kung totoong hindi makikipag-cooperate ang Marcos admin sa ICC, bakit kinumpirma ni former Sec. Antonio Trillanes at mga abogado ng mga EJK victims na nakapasok na sa ‘Pinas ang mga ICC investigators at tapos na ang imbestigasyong ginawa ng mga ito, at ang tanging hinihintay na lang ay ang warrant of arrest na ilalabas ng ICC laban sa mga sangkot sa EJK sa bansa? Tsk!


◘◘◘


MAHIRAP NANG PANIWALAAN ANG MGA SINASABI NI P-BBM KASI MADALAS SIYANG MAGLABAN-BAWI SA KANYANG STATEMENT -- Sa totoo lang, maraming sinasabi si P-BBM na hindi na pinaniniwalaan ng majority Pinoy kasi nga madalas siyang maglaban-bawi sa kanyang mga statement.


Kabilang sa mga laban-bawi statement ni P-BBM na never nga raw makikipag-cooperate ang Marcos admin sa ICC, pero may statement siyang pinag-iisipan niyang sumapi uli sa ICC, at ‘yung sinabi niyang ipinai-stop na niya ang Charter change (Cha-cha), pero ngayon siya pa ang nagsasabi sa Senado at Kamara na magkaisa na para baguhin ang ilang economic provisions sa Saligang Batas, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page