Pag-amyenda ni Sen. Robin sa Saligang Batas, dinedma ng mga mambabatas
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | September 4, 2022
MATAPOS ALISAN NG HANAPBUHAY ANG LIBU-LIBONG WORKERS NG ABS-CBN, DAAN-DAANG KAWANI NAMAN NG IBC ANG AALISAN DIN NG TRABAHO NG MGA CONG.—Isasara na next year ang government broadcast company na IBC dahil hindi ito binigyan ng budget ng mga kongresista at dahil d'yan ay asahang daan-daang workers ng television network ang mawawalan ng trabaho.
Napaka-walang puso na talaga ng mga kongresista sa mga workers na nagtatrabaho sa mga TV network kasi noong panahon ni ex-P-Duterte ay hindi binigyan ng prangkisa ang ABS-CBN, kaya nagsara ito at libu-libong kawani ng Kapamilya network ang nawalan ng trabaho at ngayon naman, pati ang mga manggagawa ng IBC ay mawawalan na rin ng hanapbuhay next year dahil hindi ito binigyan ng budget.
◘◘◘
PUWEDE NAMANG BAWASAN NG MGA CONG. ANG KANILANG PORK BARREL PROJECTS PARA HINDI MAGSARA ANG IBC—Maliit lang ang yearly budget ng IBC kasi last year ay binadyetan ito ng P73.69 million para sa operasyon ngayong 2022, na kung susumahin ay barya lang ang budget nito kumpara sa bilyun-bilyong "pork barrel projects" ng mga kongresista.
Sana, magkaisa ang mga cong. na bawasan kahit kaunti ang kanilang pork barrel projects at ibigay ito sa IBC para makapagpatuloy pa ang operasyon nito upang hindi mawalan ng work ang mga kawani ng government TV station.
◘◘◘
HEARING NI SEN. PADILLA SA PAG-AMYENDA NG SALIGANG BATAS, INISNAB NG MGA CABINET MEMBERS—Nadismaya si Sen. Robin Padilla sa hindi pagsipot ng mga miyembro ng Gabinete ni Pres. Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. para talakayin ang isinusulong niyang pag-amyenda sa Saligang Batas.
Subukan kaya ni Sen. Robin na magpatawag ng budget hearing, tiyak na simbilis ng kidlat ay nasa Senado agad ang mga member ng Gabinete ni P-BBM.
◘◘◘
PATI KAKAPUSAN NG SUPPLY NG ASIN, INIWANG PROBLEMA NI EX-P-DUTERTE SA MGA PINOY—Sabi ni Usec. Domingo Panganiban ng Department of Agriculture, na kaya kinapos ang supply ng asin sa Pilipinas ay dahil ilang taon pinabayaan ng mga dating opisyal ng DA ang salt industry sa bansa.
Kapag sinabing "noon", sila 'yung mga "bata" ni ex-P-Duterte na ini-appoint nito sa DA.
Grabe talaga mga problemang iniwan ni ex-P-Duterte sa bansa, pati kakapusan ng supply ng asin ay iniwan pa niya sa mga Pilipino.





Comments