top of page

PAG-AMING BISEXUAL NI MICHELLE, DAGDAG-POINT SA LABAN SA MISS U

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 31, 2023
  • 1 min read

ni Ambet Nabus @Let's See |May 31, 2023


Naniniwala ang marami na mas makakatulong kay Michelle Dee para sa kanyang journey sa Miss Universe ang ginawa niyang pag-come out bilang bisexual.


Marahil ay ito na ang sagot niya sa mga bashers at sa ilang tao noon na kinukuwestiyon ang kanyang gender preference. Though sa mga totoong nakakakilala sa beauty queen-actress, given na ito at matagal na nilang alam.


Kung ihahambing nga ito sa naging pamosong linyahan ni Coco Martin sa ginawa nitong pag-amin sa relasyon nila ni Julia Montes, "'Yun na 'yun. Kung ano ang alam ng madla, ganu'n na 'yun."


Well, dahil nga sa nasabing rebelasyon ni Michelle, hindi pa rin matutuldukan ang mga pagtatanong gaya ng siya ba ay practicing bisexual?


'Yun bang pa-wifey-wifey term of endearment niya sa mga closest at best female friends niya tulad ni Rhian ay simbolo ng pakikipagrelasyon niya sa kapwa babae o bisexual?


At manganganak pa 'yan hanggang sa kung sino naman ang mga naging boyfriends niya.


Hay, iba talaga ang showbiz. Lahat na lang ay gustong kalkalin.


But one thing is for sure, malaya na si Michelle, at para sa amin dito sa BULGAR, mahalaga na mas maging inspirasyon siya at magawa niya ang kanyang mga advocacies para sa nakararami.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page