top of page
Search

Padir ng anak, may ibang babae raw... Andi, umaming kung buhay si Jaclyn, lagot si Philmar

BULGAR

ni Angela Fernando @Entertainment | June 11, 2024



Showbiz Photo

Nag-guest kamakailan sa ‘Fast Talk With Boy Abunda’ ang mag-partner na sina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo at hindi nakatakas ang mga ito sa mga tanong ni Tito Boy.


Sa episode kasi ng FTWBA, nausisa ni Tito Boy kung paano hinarap ng dalawa ang pumutok na isyu kung saan inakala ng madla na nag-cheat si Philmar kasama ang isang social media personality.


Sey ng dalawa, may tiwala sila sa isa't isa at binigyang-diin din ni Andi na hindi siya naniniwala in taking possession over her partner pero iba raw ang kanyang inang si Jaclyn Jose.


Aminado si Andi na kung nabubuhay pa raw ang nanay niya sa gitna ng umugong na isyu ay talagang makakatikim daw ng mga salita si Philmar.


Ibang-iba rin silang mag-handle ng mga isyu dahil ayon kay Andi, very okay sa kanya nu'ng unang beses niyang nakita ang video, dahil sa tagal daw nilang nagsama ay alam na niya kung ano'ng tipo ni Philmar.


Hinangaan naman ng netizens ang laki ng tiwala ng dalawa sa isa't isa at ang matapang na pagharap ng mga ito sa mga tanong ni Tito Boy.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page