top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Padir ng anak, ayaw makita… KRIS, GAME MAKIPAG-DATE KAY SEN. BONG GO BASTA OUT SI IPE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 7, 2021
  • 1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | March 7, 2021






Pinatawa ni Kris Aquino ang mga nakabasa sa sagot niya sa comment ng isa niyang follower na hindi bagay ang pairing nila ni Sen. Bong Go dahil intellectual si Kris. Idinepensa ni Kris si Sen. Bong Go at sinabing “humble, hard working, loyal at efficient" ang senador.


Sagot naman ni Kris sa comment ng isa pa niyang follower na okay sa kanya ang Kris-Bong pairing, "SBG knows how to reach me - I’m game... 'wag lang mag-chaperone ang tatay ni Kuya Josh.”


Alam ng lahat na very close kay Sen. Bong si Phillip Salvador at laging kasama ng senador sa mga lakad nito. Ang awkward nga naman kung halimbawang nagde-date sina Kris at Sen. Bong Go at kasama nito si Phillip.


Anyway, naging controversial na naman si Kris dahil sa ipinost na bouquet of flowers na ipinapadala sa kanya. ‘Yung isa ngang bouquet, ang nakasulat sa card ay “I like you,” pero hindi pa raw nanliligaw ang nagpadala ng bulaklak.


“It’s a getting to know you & hopefully, we can be friends situation.”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page