Padir na si Jomari, may Abby na… ANDRE, APRUB SA KASALANG AIKO-JAY
- BULGAR
- May 18, 2023
- 1 min read
ni Ambet Nabus @Let's See |May 18, 2023

Binisita kami sa aming Marites University podcast ng limang bidang lalaki ng teen drama series na The Rain in España.
Kung mamarkahan namin ang aming naging panayam sa kanila, kumbaga sa contest, wala kang itutulak o kakabigin sa lima.
Magkakaiba ang aura at brilyo ng utak nina Gab Lagman, Francis Magundayao, Andre Yllana, Frost Sandoval at Marco Gallo.
Natural ang pagiging komedyante ni Andre na walang inurungang tanong kahit sa personal nitong relasyon sa kani-kanyang partners ng mga magulang niya na sina Aiko Melendez at Jomari Yllana.
Tanggap ng binata ang blended style ng family relationship na meron sila. Ibinuking pa niyang si Jomari at ang partner nito ngayon na si Abby Viduya ang naging daan upang magkaroon siya ng GF na tinanggap din ni Aiko.

Saludo rin siya sa pagmamahal at suporta na ibinibigay ni Jay Khonghun, current partner ng kanyang inang si Aiko, sa kanilang dalawa ng kapatid niya na si Marthena Jickain, kaya't pabor siya kung sakaling magdesisyon na ang mga ito na magpakasal.
Magaang kausap at walang kiyeme ang bagets. Happy din ito sa kanyang ginagawang series ngayon.
Anyway, we wish you luck sa iyong career, Andre!




Comments