top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Pacquiao, top 2 raw sa survey, na sila ang may gawa? Ngek!

BULGAR
Apr 23, 2022
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | April 23, 2022


ISKO, MASIPA KAYA BILANG STANDARD BEARER NG AKSYON DEMOKRATIKO? – Binatikos ni Aksyon Demokratiko Vice President for Youth, Olongapo City Councilor Kaye Legaspi, ang kapartido nilang si Aksyon Demokratiko presidential candidate Mayor Isko Moreno dahil sa sunud-sunod na "below the belt" na pag-atake nito kay Vice Pres. Leni Robredo na ayon sa konsehala ay taliwas na raw sa ideology ng partido nila ang mga inaasal ni Yorme.


Naku, dahil vice president for youth ng Aksyon Demokratiko ang bumatikos kay Isko ay baka matulad siya kay presidential candidate, Sen. Ping Lacson na sinipa sa Partido Reporma, na ang ibig sabihin, ay baka sipain o tanggalin din ng Aksyon Demokratiko si Yorme bilang standard bearer ng kanilang partido, period!


◘◘◘


ISKO AYAW MAGLUBAY SA PAG-ATAKE KAY LENI – Bagama't nakatikim na ng pambabatikos sa kanyang kapartido si Isko ay ayaw pa rin nitong maglubay sa kababanat kay VP Leni.


Talagang kinarir na ni Isko ang pagiging anti-Leni blogger, boom!


◘◘◘


PARANG SINABI NI BBM NA HINDI MAIPAGMAMALAKI ANG PAGIGING PILIPINO SA ILALIM NG DUTERTE GOV'T. – Sabi ni presidential candidate, former Sen. Bongbong Marcos na kapag nakiisa raw sa kanya ang ang mamamayan at siya ang naging presidente ay puwede na raw ipagmalaki ng mga Pinoy sa buong mundo ang pagiging Pilipino.


Kulang na lang, sabihin ni BBM (Bongbong Marcos) na sa ilalim ng Duterte gov't. ay hindi puwedeng ipagmalaki ng mga Pinoy sa buong mundo ang pagiging Pilipino, period !


◘◘◘



PACQUIAO NANIWALA SA SARILI NIYANG SURVEY NA SIYA ANG RANK 2 SA MGA PRESIDENTIABLES – Ayon kay presidential candidate, Sen. Manny Pacquiao ay base raw sa isinagawa nilang survey, siya raw ang rank 2 at hindi si VP Leni sa mga kandidato sa pagka-presidente.


Noong una, sabi ni Pacquiao ay hindi raw siya naniniwala sa mga survey, pero ngayon siya na ang nagsasapubliko na rank 2 daw siya sa survey na sila mismo ang may gawa, boom!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page