PACQUIAO, NAKIPAGSARA NA SA P2.3 B BAHAY SA FORBES PARK, IBINEBENTA PA SA IBA NG P2.7 B
ni Ambet Nabus @Let's See |May 9, 2023

Ayon sa mga abogado ni Manny Pacquiao sa Amerika, maaaring iapela pa ang kaso nitong breach of contract na naipanalo ng Paradigm Sports management.
Sinasabi pa nilang kahit natalo at pinagbabayad na ng korte ang boksingero, may laban pa rin daw ito at ang magandang puwedeng mangyari ay maibaba pa ang presyong $5.1 million (or P282 M).
Sabi naman ng mga tagahanga ni Pacquiao ay baka gusto lang siyang perahan ng mga ito, lalo na ng mga abogado niya.
May nagsasabi namang pinaghahandaan na ito ng pamilya nina Pacquiao, kaya’t iniaalok na nilang ibenta ang Forbes Park property nila.
May balita pa ngang may nagbigay na ng paunang bayad na P200 million para sa nasabing property, pero dahil merong handang bilhin ito sa halagang P2.7 billion (2.3 billion ang reported worth nito), ito na raw ang kinakausap nina Pacquiao sa ngayon.
Ang tsismis nga lang, tila hindi pa ibinabalik sa taong nagbigay na ng paunang bayad na nagkakahalagang P200 million ang pera nito.
Ay, ewan, natawa rin kami sa komento ng ilang netizens na aabot din sa daang milyon ang mga bags ni Jinkee kung gusto talaga nitong tumulong sa asawa na magbayad ng mga financial obligations nito.





Comments