Pacquiao, may pabor kung matuloy ang laban kay McGregor
- BULGAR

- Oct 5, 2020
- 3 min read
ni Gerard Arce - @Sports | October 5, 2020

Mangyayari lamang ang pinaka-aabangang salpukan nina World Boxing Association (WBA) [super] welterweight king Manny “Pacman” Pacquiao at two-division UFC titlist Conor “Notorious” McGregor sakaling masunod ang ilang mga kagustuhan ng nag-iisang eight division World champion.
Kasunod ng magkahiwalay na anunsiyo ng dalawang superstar’s hinggil sa gaganaping salpukan sa loob ng boxing ring sa susunod na taon sa Middle East na unang diumano'y itinanggi ng Saudi Arabia, inihayag ng 41-anyos na Filipino boxing icon na nais niyang maging parte ang promotional company nito na MP Promotions at bagong tatag na Pac Sports and Entertainment sa nilulutong laban.
Inamin ng Fighting Senator na hindi ito nagkaroon ng ‘agreement’ sa Paradigm Sports Management na pinamumunuan ni Audie Attar, na siyang huminang sa karera ni McGregor.
“At the present time, I do not have an existing management contract with Paradigm Sports Management,” pahayag ni Pacquiao sa panayam ng The Daily Mail.
“I have formed my own company, Pac Sports and Entertainment, and am more than willing to give the fans what they want: An exciting fight with Conor McGregor under terms and conditions where I am the co-promoter with my company. Thank you and God bless,” dagdag ng Pambansang Kamao.
Naunang naglabas ng malaking mensahe ang 32-anyos na Dublin, Ireland-native sa kanyang social media account ng sabihin nitong susunod niyang makakalaban si Pacquiao na gaganapin sa Middle East sa Disyembre 2020 o sa Enero susunod na taon.
“I’m boxing Manny Pacquiao next in the Middle East,” pahayag ng Irish mixed-martial artists sa kanyang twitter account nitong Biyernes. “It will be a true honour to have faced two of the greatest boxers of the modern era, afraid of the fight.”
Pero ang naturang anunsiyo ni McGregor ay dinenay ng Saudi Arabia at nagpahayag naman si UFC head Dana White na hindi nila papayagan na matuloy ang Pacman-McGregor fight.
Ayon sa panayam ni ESPN Ariel Helwani sa manager ni McGregor na si Attar, hindi pa masasabing isang ‘done deal’ ang naturang laban, ngunit patungo na umano ang usapin sa naturang direksyon, kung saan may potensyal na gawin ito sa ngayon o sa darating na taon sa Gitnang Silangan ng Asya.
Kinumpirma naman ng kampo ni Pacquiao ang naturang mensahe ng Irish MMA superstar, kung saan malaking parte umano ng kikitain sa laban ay mapupunta sa mga biktima ng coronavirus disease (Covid-19) sa Pilipinas.
“For the sake of all the Filipino COVID-19 victims, Senator Manny Pacquiao will be fighting UFC superstar Conor McGregor next year,” wika ni Jayke Joson, special assistant ni Pacquiao nitong nakalipas na Sabado.
Minsan ng sumubok sa boxing ring si McGregor ng labanan nito si undefeated-retired Floyd “Money” Mayweather noong Agosto 26, 2017 sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, Nevada, kung saan nagresulta sa 10th round technical knockout para sa 12-round boxing event na tumabo ng $300 million para kay Mayweather at $100 million naman para kay McGregor; samantalang kumita ito ng mahigit sa $55 million sa tickets at mahigit million ang bumili ng PPV nito sa buong mundo.
Ngunit ayon kay MP Promotions President at international matchmaker Sean Gibbons, wala umanong alam ito sa usapan ng laban kay McGregor, ngunit sakaling mangyayari umano ito ay isang malaking laban ito sa mundo ng boxing.
“I don’t know anything about the McGregor fight. You know what, you should give the senator a call, Senator is still the biggest name in boxing, bigger than Mayweather, bigger than [Anthony] Joshua, bigger than Canelo [Alvarez], and guys sometimes they are using the senators name for certain reasons, but if a fight like that can truly happens, it will be a tremendous global event and I hope stuff like that can work out,” pahayag ni Gibbons sa lingguhang PSA Forum, nitong nakalipas na Martes sa online virtual session.





Comments