top of page

Pacman vs Buakaw sa exhibition match

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 23, 2023
  • 2 min read

ni Gerard Arce @Sports | July 23, 2023




Matinding pakyawan sa suntukan at buwakawan sa kaldagan ang ihahatid ng nag-iisang eight division World champion Manny “Pacman” Pacquiao laban sa Muay Thai at kickboxing icon na si Sombat “Buakaw” Banchamek sa isang boxing exhibition match na nakatakdang ganapin sa Enero 2024 sa Thailand.


Masasaksihan ng buong mundo ang pinakaaabangang pagtatapat ng dalawang maalamat na mandirigma ng kani-kanilang pampalakasan sa bakbakang pinamagatang “The Match of Legends” na isinulong ng kilalang organizing promoter na Fresh Air Festival Co. Ltd. na siyang naghatid ng malaking football event sa Thailand na “The Match Bangkok Century Cup 2022” na kinatampukan ng dalawa sa pinakasikat na football clubs sa mundo na Liverpool at Manchester United.


The Match of Legends is a new event concept geared towards attracting combat sports icons for a match,” wika ni Mr. Vinij Lertratanachai, CEO ng Fresh Air Festival Co., Ltd, na makakatambal ang SF Corpoation PLC, ang nangungunang inema operator sa Thailand upang ihatid ang makasaysayang paghaharap ng pinakatinitingalang atleta ng kani-kanilang bansa at ng buong mundo.


Naniniwala si SF Corporation PLC Chief Marketing Officer, Mr. Suvit Thongrompo na makakapagbigay ng pangmatagalang alaala ang tapatan nina Pacquiao (62-8-2, 39KOs) at Buakaw (240-24-14, 73KOs) sa pangkalahatang manonood lalo pa’t hinahangaan at iginagalang ang dalawang icons sa kani-kanilang isports na inaasahang mailalagay sa listahan ng kasaysayan.


Huling sumabak sa exhibition match si Pacquiao noong Dis. 11, 2022 kontra kay South Korean fighter DK Yoo sa Korea International Exhibition Center na nagtapos sa unanimous decision ng kanilang six round bout. Pumirma rin ito ng kasunduan sa kilalang Japanese Promotions na RIZIN MMA para lumaban rin sa isang exhibition match.


Ilang beses ring napabalitang magbabalik boxing ring ito para kalabanin si Conor “The Destroyer” Benn ng United Kingdom sa ilalim ng Matchroom Promotions ni Eddie Hearn.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page