Pacman, lusot na sa isyung ‘di sumunod sa social distancing dahil namigay naman ng relief goods...
- BULGAR

- Dec 1, 2020
- 2 min read
At cash, si Spox. Roque, hindi!!!
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | December 1, 2020
WALANG AKTIBISTA, WALANG PROTESTA KUNG WALANG ABUSADO’T WALANG KORUP SA PAMAHALAAN—Sa selebrasyon ng Bonifacio Day kahapon ay kaliwa’t kanang protesta laban sa gobyerno ang ginawa ng iba’t ibang grupo ng mga aktibista.
Hindi man aminin, tiyak na nagngingitngit na naman sa inis ang Duterte gov’t. kasi ayaw ng gobyernong ito na may mga nagpo-protesta laban sa pamahalaan.
Puwede namang wala nang magprotesta, ito ay kung walang abusado at walang korup sa pamahalaan, pero hangga’t nariyan sila, asahan nang palaging may mga aktibistang magpu-protesta, period!
◘◘◘
NATIGIL NA ANG BATIKOS KAY PACMAN KASI NAMIGAY NG AYUDA, PERO BATIKOS KAY ROQUE, TULOY PA RIN—Sa dalawang opisyal ng gobyerno na nabatikos dahil sa paglabag sa mass gathering, marami ang kumampi kay Sen. Manny Pacquiao dahil ang pagtungo nito sa Batangas ay para mamigay ng financial na tulong sa mga biktima ng bagyo, pero kay Presidential spokesman Harry Roque, tuloy ang batikos sa kanya sa social media.
Wala naman daw kasi itong ibinigay na tulong, kundi nagpabida at nagpa-cute lang sa mga taong dumagsa sa Bantayan Island sa Cebu, boom!
◘◘◘
KUNG MAY HIYA SI ROQUE KAY P-DUTERTE, DAPAT MAG-RESIGN NA SIYA SA PUWESTO—Kung may hiya si Roque kay P-Duterte, dapat mag-resign na siya sa puwesto kasi hindi siya nakatutulong para mapabango ang imahe ng Duterte gov’t. sa paglaban sa COVID-19, kundi nakakasira pa siya.
Mantakin n’yo, panay ang paalala ng Dept. of Health (DOH) sa mamamayan na palaging ipairal ang social distancing upang makaiwas mahawaan ng virus, tapos ang narinig ng publiko sa spokesman ng Pangulo ay “ok” lang daw magkakadikit mga taong dumagsa sa dinaluhan niyang event, basta naka-facemask lang kasi open air ang Bantayan Island, pwe!
◘◘◘
PARANG SINABI NG DOJ NA HAYAAN NA LANG ANG MGA SABLAY NG DEPED—Nagbanta ang Department of Justice (DOJ) na sasampahan ng kaso ang mga netizens na magpu-post sa social media ng mga sablay na nilalaman ng mga modules ng Department of Education (DepEd).
Kung ganu’n, ang gusto palang mangyari ng DOJ ay huwag nang pansinin at hayaan na lang ng taumbayan ang mga kapalpakan ng DepEd, boom!





Comments