Pacman kikita ng P1-bilyon sa laban kontra Barrios
- BULGAR
- 4 days ago
- 2 min read
ni Gerard Arce @Sports News | July 22, 2025
Photo: Paaakkk! "Tinalo mo ako sa korona, makikita mong sa susunod nating rematch, tuluyan ko nang aagawin sa'yo ang championship belt!" tila bulong sa isip ng Pambansang Kamao Manny Pacquiao sa 12 rounds welterweight bout nila ni Mario Barrios noong Linggo sa Las Vegas, Nevada. Circulated Sports Photo
Makokonsiderang papaldo ng kita ang Filipino boxing legend na si Manny “Pacman” Pacquiao sa naging laban kay World Boxing Council (WBC) welterweight titlist Mario “El Azteca” Barrios na tinatayang aabot sa kabuuang $17-18 milyon o mahigit sa P1 bilyon sa 12-round title fight noong Linggo ng tanghali sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.
Hindi man nagtagumpay sa pag-agaw ng korona at makapaglista ng bagong kasaysayan bilang “oldest welterweight champion” sa edad na 46 at makuha ang ika-6 na welterweight title belt sa ika-16 na laban sa MGM Grand, nakakalula ang maibubulsa sa labang nauwi sa majority draw.
Kung susumahin ay kumikita si Pacman ng $220-M sa net worth kaya't inaasahan na aangat ang kita sa mga bumili ng pay-per-view shares at boxing ticket sa mismong venue, plus tumataginting na prize purse. Pumalo sa $12 milyon ang fight purse ni Pacquiao, habang may $500,000 o $1 milyon si Barrios. Labas pa umano rito ang revenues kabilang ang PPV at venue tickets.
“Both Pacquiao and Barrios are in line to make a hefty chunk of change from their fight. Reports suggest that the challenger looks to make a base of $12 million and will take home a significant portion of the PPV sales. It is estimated that Pacquiao could end up between $17 million and $18 million for the fight,” ayon sa inilabas na report ng Yahoo Sports. “Barrios won't be as lucky, even if he wins. The champ is expected to have a baseline purse between $500,000 and $1 million. He will take home a good chunk of television revenue, but his overall net won't surpass $2.5 million.”
Nauna ng sinabi ni Pacquiao na hindi niya pinagtutuunan ng pansin ang kikitain sa 12-round championship fight, kundi ang makagawa ng panibagong kasaysayan bilang ‘oldest welterweight champion.”
Comentários