top of page

Eala, umakyat sa World Rank No. 31 ng WTA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 9 hours ago
  • 2 min read

by Dominic Santos @Sports News | February 23, 2026



Alex Eala - IG

Photo: Instagram / Alex Eala



Umakyat sa ika-33 puwesto ng world ranking mula sa kanyang dating highest record na 47 si Pinay Tennis Player Alex Eala sa latest ranking na inilabas ng Women’s Tennis Association (WTA) ngayong Lunes, Pebrero 23.


Kasunod ito ng magandang takbo na kanyang ipinakita sa Dubai Tennis Championship kung saan umabot siya sa quarterfinals match matapos talunin sina Jasmine Paolini at Sorana Cîrstea sa Rounds of 32 at 16.


Nagtapos naman ang kanyang karera sa quarterfinals ng torneo makaraang talunin ni Coco Gauff.



EALA BAGONG AMBASSADOR, 'MY MILO STORY' INILUNSAD 

by Anthony Servinio @Sports News | February 23, 2026



Mayroon ka bang kuwento gustong ibahagi? Ngayong 2026 ay ilulunsad ng MILO Philippines ang "My MILO Story" upang magsilbing inspirasyon sa lahat sa larangan ng kalusugan at sports.


Kasabay ng bagong kampanya ang pormal na pagpakilala kay Tennis champion Alex Eala bilang bagong ambassador na sasamahan sina Olympians Hidilyn Diaz-Naranjo at EJ Obiena. Abangan sa mga parating na buwan ang mga sorpresa na kabibilangan ni Eala na isang tunay na produkto ng MILO Sports Clinics.


Sa edad na walo ay una siyang nag-aral. Lumahok siya sa taunang MILO Little Olympics hanggang kumulekta ng maraming parangal patungo sa kanyang kasalukuyang estado sa pandaigdigang laro.


Maliban sa Tennis, palalaguin ang mga sports clinic sa Basketball, Volleyball, Swimming, Bowling, Karate, Ice Skating, Taekwondo, Artistic Gymnastics at marami pang iba. Pangunahan pa rin ang grassroots development na matagal na nilang adbokasiya.


Ipagpapatuloy din ang matagumpay na mga programa ng MILO Barangay Liga at MILO @ Home. Noong pandemya at naging daan ang MILO @ Home para hindi mapigil ang ensayo ng mga kabataan sa pamamagitan ng pagturo ng sports online.


Kasabay din ang engrandeng pagdiriwang ng ika-50 edisyon ng National MILO Marathon. Magkakaroon din ng pinakaunang MILO Champ Run para sa mga kabataan na hiwalay sa mga regional qualifier.


Ang unang karera ng MILO Marathon ay ngayong Marso 1 sa MOA. Tinatayang 300,000 ang kabuuang lalahok ngayong taon.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page