top of page
Search
  • BULGAR

Pacman, bomalabs na uling lumaban sa U.S.

ni MC - @Sports | June 14, 2022



Inaasahang mahihirapan si Manny Pacquiao na lumaban sa Estados Unidos sakaling magdesiyon itong bumalik mula sa pagreretiro kahit isang laban lang.


Umuusok ang balitang muling babalik sa boksing ang 43-anyos na eight-division world champion matapos mabigong manalo sa katatapos na presidential election.


Ayon sa report, kasalukuyan pa ring gumugulong ang kasong isinampa ng Paradigm Sports Management (PSM) sa Superior Court of California.


At habang may umuugong na ang pagbabalik ni Pacquiao ay nalalapit ngayong taon ayon sa pinuno ng MP Promotions na si Sean Gibbons, iba ang iniisip ng isang source na may alam sa sitwasyon.


“Masyadong mahirap para kay Senator Pacquiao na lumaban muli sa US dahil sa patuloy na mga legal na isyu na kanyang hinarap lalo na sa Paradigm Sports Management,” sabi nila. “Maaaring nanalo siya sa labanan, ngunit hindi ito nangangahulugan na nanalo na siya sa digmaan.”


Nabigo ang PSM na pigilan ang laban ni Pacquiao noong nakaraang taon sa Las Vegas kontra kay Errol Spence Jr. — na pinalitan ni Yordenis Ugas dahil sa injury ni Spence — matapos hindi ibigay ng korte sa Orange County sa kumpanya ang hinihingi nitong preliminary injunction.


Ang kaso ng korte sa pagitan ng dalawang partido, gayunpaman, ay nananatiling nagpapatuloy.


“Ongoing pa rin ang kaso, kaya tuwing lalaban si Senator Pacquiao kahit kanino, magsasampa ng panibagong legal case ang Paradigm Sports Management laban sa kanya. That’s why I don’t know what Mr. Gibbons is talking about a possible Pacquiao comeback in the US,” dagdag pa nila.


Ang kasong isinampa ng PSM – isang sports management agency na humahawak sa UFC star na si Conor McGregor – ay nagmula sa mga alegasyon nito na nilabag ni Pacquiao ang naunang kasunduan sa kanila hinggil sa pakikipaglaban sa welterweight contender na si Mikey Garcia.


Ang paradigm chief na si Audie Attar ay humihingi ng monetary damages kay Pacquiao, na kinabibilangan ng pagbawi ng $3.3 million na advance na inaangkin niyang natanggap ni Pacquiao noong siya ay pumirma sa ahensiya noong Pebrero 2020.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page