top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Pacio vs. Saruta sa ONE Revolution, sino ang astig?

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 25, 2021
2 min read

ni Gerard Arce - @Sports | August 25, 2021



Muling maghaharap sa ikatlong pagkakataon sina ONE strawweight champion Joshua “The Passion” Pacio kontra sa mahigpit na karibal na si Yosuke “Tobisaru No.2” Saruta ng Japan para sa kanilang trilogy bout bilang co-main event sa ONE: Revolution sa September 24 sa Singapore Indoor Stadium sa Singapore.


Pipiliting tuldukan ng dalawang fighters ang magkasunod na bakbakan noong 2019, kung saan naunang nagwagi ang 34-anyos na Japanese fighter sa bisa ng split decision noong Enero 19 sa ONE: Eternal Glory sa Jakarta, Indonesia, samantalang binawi ito ng 25-anyos mula La Trinidad, Benguet sa pamamagitan ng 4th round knockout dahil sa head kick upang maagaw ang titulo noong Abril 12 sa ONE: Roots of Honor sa MOA Arena.


Mula noon ay dalawang beses na itong naipagtanggol ng Team Lakay member kina compatriot Rene Catalan noong Nobyembre 2019 via 2nd round submission at Alex Silva noong Enero 2020 sa ONE: Fire and Fury via 5th round split decision.


Huling beses lumaban si Saruta sa Road to ONE 3: Tokyo Fight Night kay Yoshitaka Naito na nagtapos sa unanimous decision noong Setyembre 2020 sa Japan.


Masasaksihan din sa ONE: Revolution ang dalawa pang pinoy na sina Lito “Thunder Kid” Adiwang at Roel “Akiyama” Rosauro na haharap sa magkahiwalay na bakbakan kina Hexigetu Hexi ng China na may three-fight winning streak sa ONE Championship at unbeaten American fighter at ONE debutant James Yang.


Galing mula sa 2nd round knockout ang Baguio-native na si Adiwang laban kay Namiki Kawahara noong Enero 2021, habang nakatakas ang tinaguriang “Wolf of the Grasslands” na si Hexi kontra kay Dejdamrong Sor Amnuaysirichoke ng Thailand via split decision noong Oktubre 2020 sa ONE: Reign of Dynasties.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page