top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Pacio vs. Brooks sa ONE magbabanatan sa Disyembre

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 28, 2022
2 min read

ni Gerard Arce - @Sports | August 28, 2022



Magtatapat na sa pinakahihintay na pagtatagpo para sa ONE strawweight world championship sina Team Lakay fighter at title holder Joshua “The Passion” Pacio at No.1 challenger Jarred “The Monkey God” Brooks sa Dis. 3 sa MOA Arena sa Pasay City.


Tatapusin ang mga bangayan at asaran ng dalawa na minsang naantala noong Hunyo 3 sa main event ng ONE 158 sa Hunyo 3 sa Singapore Indoor Stadium. Kaliwa’t kanang paghahamon ang isinagawa at ipinagsigawan ng dating UFC fighter at Mash Fight Team para lamang makatuntong sa kanyang puwesto.


Matatandaang matindi ang pambubuska ng 29-anyos na American fighter na sunod-sunod na tinalo ang mga nakalinyang kalaban mula kina Lito “Thunder Kid” Adiwang, Hiroba Minowa ng Japan hanggang kay Bokang “Little Giant” Masunyane ng South Africa para makuha ang karapatan na makabakbakan ang Filipinong kampeon.


Nagawa pa nitong laitin at punahin ang kagamitan sa bahay ni Pacio na kanyang papalitan sa oras na makuha ang premyo sa kanilang laban at tapusin niya ang Filipino fighter na parte ng kanyang ‘mind games’ na paulit-ulit na tinatawag at hinahamon ang kampeon sa lahat ng laban nito.


“Challenging for the title in the best organization in the world is a dream come true,” wika ni Brooks sa naunang panayam ng Sports Illustrated dito. “I’ve been thinking, sleeping, and breathing the fight game for my entire life and to win the belt would mean more than life itself.”


Hindi naman nagpatinag sa mga pasaring ng American fighter ang 26-anyos na tubong La Trinidad, Benguet na nakahandang depensahan ang kanyang titulo sa ikaapat na pagkakataon na sakaling malampasan niya si Brooks sa laban, masisimento nito ang kanyang sarili bilang isa sa mga pinakamahuhusay na kampeon ng ONE Championships.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page