Pacio, magpapalakas ng pagsasanay sa Amerika
- BULGAR
- Mar 25, 2023
- 2 min read
ni Gerard Arce @Sports | March 25, 2023

Puntiryang magsanay sa Estados Unidos ni dating ONE Strawweight champion Joshua “Passion” Pacio habang nilulubos ang panahon sa pananatili sa kanyang kategorya na naghahanda sa mas matitindi pang darating na laban sa kanyang karera sa professional mixed martial arts.
Matatandaang kabilang ang 27-anyos na tubong La Trinidad, Benguet sa mga lumisan sa pamosong MMA stable na Team Lakay upang mas lalo pang hasain ang kakayanan at kaalaman kasama sina dating world champions Eduard Folayang, Kevin Belingon at Honorio Banario nitong buwan.
Magkakaroon na rin ng pagkakataon si Pacio na makatapat ang mga baguhang fighter’s ng Team Lakay, subalit tatanggihan ang mga malapit na kaibigang sina Lito Adiwang at Danny Kingad. “I want to level up in all aspects of my game. This was not a sudden decision. Speaking of leveling up, we plan to train in the USA next month. We are going to try Jackson Wink MMA. Not only that we will also do gym hopping to add to our mixed martial arts knowledge,” pahayag ni Pacio sa isang online website.
Kilala ang Jackson Wink MMA na MMA gym sa New Mexico sa US na nakagawa ng mga fighters tulad nina bagong UFC heavyweight champ Jon Jones, dating light-heavyweight titlist Rashad Evans at dating UFC women’s bantamweight title holder Holly Holm.
Dito na napagtanto ni Pacio na kailangan niyang magsanay sa Estados Unidos upang matulungan siyang mas matulungan pang mahasa ang potensiyal nitong mas humusay pa. “I know what I am lacking. People say that I am the best strawweight ever, but like I always say I am not even at my peak yet. I want to get that by going out of my comfort zone. I want to reach my full potential as an MMA athlete,” paliwanag ni Pacio.








Comments