Pabrika ng pekeng yosi ni-raid, 25 Pinoy, 6 dayuhan, tiklo
- BULGAR

- Nov 24, 2023
- 1 min read
ni Angela Fernando - Trainee @News | November 24, 2023

Arestado ang 25 Pinoy at 6 na dayuhan nang sumalakay ang pulisya sa sinasabing pagawaan ng mga pekeng sigarilyo sa Agoncillo, Batangas.
Agad na kinasa ng mga otoridad ang isang buy-bust operation nang may nagsumbong na maraming foreigner ang naglalabas-masok sa isang abandonadong resort.
Natagpuan ang ilang mga makinarya at gamit para sa paggawa ng pekeng sigarilyo.
Ayon sa mga otoridad, binabalot na ang nasabing kalakal para dalhin sa mga lugar sa Visayas, Mindanao at maging sa Mindoro.
Pahayag ni Brig. Gen. Paul Kenneth Lucas, regional director ng Calabarzon PNP, liblib ang pinaggagawaan ng mga pekeng sigarilyo at buong 'Pinas ang operasyon nito.
P20-milyon na ang nakalap simula ang kanilang operasyon nu'ng Hunyo.
Patuloy naman sa pagtukoy sa kung sino ang may-ari ng inabandonang resort at agad na kakasuhan ang mga suspek sa salang paglabag sa National Internal Revenue Code of the Philippines.





Comments