top of page
Search
BULGAR

Pabida ng Marcos admin na murang bigas sa Kadiwa, sablay!

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | May 21, 2024



Prangkahan ni Pablo Hernandez


SABLAY ANG PABIDA NG MARCOS ADMIN NA MURANG BIGAS SA KADIWA --Sablay ang pabida ng Marcos administration tungkol sa murang bigas na P29 per kilo sa Kadiwa store.


Marami kasing mahihirap nating kababayan ang nagalit dahil pagtungo nila sa Kadiwa store sa tanggapan ng Dept. of Agriculture (DA) ay wala na silang mabiling P29 per kilo ng bigas, na ayon sa DA ay ubos na raw, boom!


XXX


NAWALA NA NGA SA MERKADO ANG MURANG NFA RICE, TAPOS WALA NA RING MABILING MURANG BIGAS SA MGA KADIWA STORE -- Ang murang NFA rice na nabibili sa presyong 27 hanggang P32 per kilo sa mga pamilihan noong panahon ni dating Pres. Noynoy Aquino ay nawala sa merkado sa panahon ni ex-P-Duterte, at ang pagkawala ng NFA rice ay nagpatuloy ngayong panahon ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM).


Iyan ang malungkot na katotohanang nangyayari ngayon sa ‘Pinas, kasi nawala na nga sa merkado ang murang NFA rice, tapos wala na ring mabiling murang bigas sa mga Kadiwa store, tsk!


XXX


ONLINE SABONG GAMBLING LORDS AT MGA SMIUGGLER, WALANG TAKOT KAY PBBM -- Ipinagbawal na ni PBBM ang online sabong pero hanggang ngayon ay namamayagpag pa rin ang online sabong sa social media, at iniutos din ng Presidente ang pagsawata sa smuggling sa bansa pero hanggang ngayon ay tuloy pa rin ang smuggling sa Customs.


Ibig sabihin niyan ay walang takot kay PBBM ang mga ilegalista, kaya hindi pa rin sila tumitigil sa kanilang online illegal gambling operations at smuggling activities sa ‘Pinas, boom!


XXX


DAPAT MAGPAIRAL SI GEN. PESPES NG ‘ONE-STRIKE POLICY’ SA MGA HEPE NA WALANG AKSYON SA ILLEGAL GAMBLING -- Balik-operasyon na naman daw ang mga saklaan ni alyas “Walter” sa Muntinlupa City, "jueteng" at "lotteng" nina "Haruta" at "Joy" sa Las Piñas City at Parañaque City at "bookies" ni "Toto" sa Makati City.


Sa pagkakaalam natin ay may “no-take policy” si Southern Police District (SPD) director, Brig. Gen. Mark Pespes, pero bakit may mga nag-o-operate ng illegal gambling sa mga lugar na ‘yan?


Dapat yata magpairal na rin si Gen. Pespes ng “one-strike policy” sa mga hepe na walang aksyon sa illegal gambling, na ibig sabihin ay sibak agad sa puwesto ang chief of police kapag napatunayang may mga pasugalan sa kanilang nasasakupan, period!

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page