top of page
Liza Soberano - Instagram.jpg

Pabayang gun owners, sampulan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 day ago
  • 1 min read

by Info @Editorial | August 6, 2026



Editoryal, Editorial


Isa na namang menor-de-edad ang nasawi matapos paglaruan ang baril ng ama. Kamakailan, nagulantang din tayo sa halos sunud-sunod na insidente ng pagdadala ng baril sa eskwelahan na ikinamatay din ng ilang biktima.


Kaya nararapat lamang ang mas mabigat na parusa sa mga iresponsableng nagmamay-ari ng armas. 


Ang lisensya sa paghawak ng armas ay hindi pribilehiyong maaaring abusuhin kundi isang responsibilidad na may kaakibat na pananagutan. 


Sa bawat baril na napapabayaan, naipapahawak sa hindi awtorisadong tao, o ginagamit sa pananakot at karahasan, buhay ng inosente ang nalalagay sa panganib.

Hindi sapat ang simpleng multa o pansamantalang pagbawi ng lisensya kung ang kapabayaan ay humahantong sa krimen o kamatayan. 


Kailangang maging malinaw ang mensahe ng batas: ang sinumang hindi kayang maging responsable sa pagmamay-ari ng baril ay walang lugar sa paghawak nito. 


Ang mas mabigat na parusa ay hindi lamang kaparusahan kundi isang mabisang panakot laban sa pagiging pabaya at iresponsable.


Ang tunay na sukatan ng isang ligtas na lipunan ay hindi ang dami ng may baril kundi ang higpit ng pananagutan sa paggamit at pag-iingat nito. Kung seryoso ang pamahalaan sa pagpigil sa karahasan, dapat nitong tiyakin na ang bawat lisensyadong may-ari ng baril ay may malinaw na pananagutan sa bawat paglabag. 


Sa usapin ng armas, walang puwang ang kapabayaan dahil isang pagkakamali lamang ang maaaring kumitil ng buhay.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page