top of page
BULGARY - ALEX EALA, TAGILID MAGMULTA NG P620K, SEN. TULFO, TO THE RESCUE-IG _alex.eala &

Manggagawa, ‘wag lituhin sa dagdag-sahod

Writer: BULGAR
BULGAR
6 hours ago
1 min read

by Info @Editorial | September 19, 2026



Editoryal, Editorial


Magandang balita ang dagdag-sahod, lalo na sa panahong mabigat ang presyo ng petrolyo, pagkain, kuryente at iba pang pangunahing pangangailangan. Pero sa bagong P60 wage increase sa Metro Manila, mahalagang malinaw kung ano talaga ang matatanggap ng manggagawa.


Sa ilalim ng Wage Order No. NCR-28, tataas ng P60 ang minimum wage, mula P695 tungong P755 kada araw sa non-agriculture sector. Sa agrikultura at iba pang sakop na maliliit na establisimyento, tataas naman ito mula P658 tungong sa P718.


Ang maaaring pagmulan ng kalituhan ay ang naunang Wage Order No. NCR-27, na nagtakda sana ng P85 increase sa dalawang tranche—P60 muna at karagdagang P25 sa Enero 2027. Nahaharap naman sa usaping legal ang implementasyon nito.


Kaya dapat malinaw: ang bagong P60 ay hindi nangangahulugang magiging P815 ang minimum wage. Sa ilalim ng NCR-28, P755 ang itinakdang minimum wage para sa non-agriculture sector.


Ngunit may mga tanong na dapat malinaw na sagutin ng mga awtoridad. Ano ang mangyayari sa mga manggagawang nakatanggap na ng adjustment sa ilalim ng naunang wage order? Ano ang magiging estado ng nakatakdang P25 second tranche?


At paano eksaktong ipatutupad ang bagong rate sa mga employer?

Hindi sapat na sabihing may dagdag-sahod. Kailangang madaling maintindihan ng manggagawa kung magkano ang dapat niyang matanggap at kailan.


Sa usapin ng sahod, bawat piso ay mahalaga. Kaya sa P60 dagdag-sahod, walang dapat malito at walang dapat maiwan sa paliwanag.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page