Pabahay at trabaho kuno, hanggang pramis lang ng mga kandidato
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | February 02, 2022
SA SALN AT LIFESTYLE CHECK, MALALAMAN ANG MATITINO AT KORUP SA PAMAHALAAN–Ayon kay Vice-Pres. Leni Robredo, kapag siya ang naging pangulo ng bansa ay gagawin niyang mandatory ang pagsusumite ng SALN (Statement of Assets, Liabilities and Networth) at palaging magsasagawa ng lifestyle check sa mga opisyal ng gobyerno.
Sa totoo lang, sa pamamagitan ng SALN at lifestyle check malalaman ng taumbayan kung sino sa mga opisyal ng gobyerno ang matino at kung sino rin ang korup o magnanakaw sa kaban ng bayan, period!
◘◘◘
POLITICAL AD NG MGA KANDIDATO NA MAMIMIGAY NG TRABAHO, PANG-UUNGGOY LANG SA MGA JOBLESS PINOY–Sa mga political ad ng mga kandidato, lalo na ang mga trapo (traditional politicians), halos iisa ang kanilang litanya, na kesyo magbibigay sila ng trabaho.
Ang ganitong uri na political ad ay malinaw na pang-uunggoy lang para sila ang iboto ng mga tambay.
Isipin mo, kada eleksiyon ay ganyan palagi ang kanilang ang pramis, magbibigay ng trabaho, pero kapag naluklok na sa poder ay wala namang maibigay na work, boom!
◘◘◘
KANDIDATO NA TODO-PRAMIS NA MAMIMIGAY NG TRABAHO AT PABAHAY, IBASURA SA HALALAN–Hindi dapat magpa-unggoy ang mamamayan sa mga kandidato dahil karamihan sa nilalaman ng kanilang political ad ay panloloko lang.
Bukod sa pangakong magbibigay ng trabaho, may mga nangangako rin na magbibigay ng pabahay sa mahihirap.
Pero ang masaklap, wala namang naibibigay na work, at mas lalong walang pabahay na ibinibigay, tsk-tsk-tsk!





Comments