Paano malalaman na angkan ng mga buwaya ang pulitiko?!
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | February 20, 2022
PLANO NI BELLO NA ILAMPASO SI SARA SA DEBATE, NAPURNADA--Nanghihinayang si Laban ng Masa vice-presidential candidate Warren Bello sa pagkansela ng network ni Pastor Apollo Quiboloy sa vice-presidential debate.
Aniya, nawalan tuloy siya ng pagkakataong ipakita sa publiko ang gagawin sana niyang paglampaso sa debate sa anak ni P-Duterte na si Lakas-CMD vice-presidential candidate Sara Duterte-Carpio, boom!
◘◘◘
PARTYLIST NG MGA BUWAYANG POLITICAL FAMILY--May bagong teknik ngayon ang mga trapo (traditional politicians) na mula sa political dynasty.
Kapag ang ilan sa mga miyembro ng kanilang pamilya ay wala nang mapuwestuhan, dahil meron na silang for senator, mayor, vice mayor at congressman, eh, ang ginagawa nila'y nagtatatag ng partylist na ang nominado ay mula pa rin sa kanilang angkan.
Ganyan kagahaman sa puwesto ang mga trapong may political dynasty sa bansa, buwisit!
◘◘◘
KAPAG MULA SA PAMILYA NG MGA BUWAYA ANG KANDIDATO, MALAMANG MAY DISKARTE 'YAN SA PAG-KICKBACK SA KABAN NG BAYAN
--Sa totoo lang, isa sa sanhi ng paghihirap ng mga Pinoy ay ang political dynasty.
Ilan kasi sa mga pulitikong mula sa political dynasty ay gahaman sa pera ng bayan--kaliwa't kanan ang kickback.
May kickback na nga ang mag-asawang pulitiko, pati ang mga anak at kapatid nilang pulitiko ay kumi-kickback din, pwe!
◘◘◘
KAPAG ANG PAMILYA NG PULITIKO AY UBOD NG YAMAN, TAPOS TIPID ANG IPINAMIMIGAY NA RELIEF GOODS, IBIG SABIHIN AY KURAKOT ANG MGA PULITIKONG 'YAN--Madali lang malaman kung ang pulitiko ay kurakot.
Kapag ang pamilya ng pulitiko ay ubod na ng yaman, tapos kapag may kalamidad ay sardinas, instant noodles, 1 kilong bigas lang ang ipinamimigay na relief goods, at 'yung supot na pinaglagyan ng pagkain ay may mukha at pangalan pa ng pulitiko, hindi na kailangang imemorize pa, na ang pamilya ng mga pulitikong 'yan ay kurakot, period!





Comments