top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Paano kung biglang maglaho ang COVID-19 na parang bula?

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 7, 2022
2 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | February 07, 2022



HINDI talaga nauubusan ng intriga ang kandidatura ni ex-Sen. Bongbong Marcos.


Lumantad sa National Press Club ang nagpapakilalang lehitimo ring anak ni dating Pangulong Marcos na si Maria Aurora Marcos na isa ring “presidentiable”.


◘◘◘


IDINEKLARANG nuisance ng Comelec si Maria Aurora pero naghihintay siya ng TRO sa Korte Suprema.


Ang problema, ikinakatwiran ng Comelec na tapos na disenyo at na-plantsa na ang balota kaya’t hindi maiimprenta ang pangalan nito.


◘◘◘


GUEST candidate si Maria Aurora Bunsoy Marcos ng Partido Maharlika.


Ayon kay Maria Aurora, marami siyang ebidensiya at buhay na testigo na magpapatunay na isa siyang lehitimong Marcos.


Patok na patok ang isyung ito sa mga “Maritess”.


◘◘◘


MARAMI ang natutuwa sa pagpasok ng dalawang baguhang kandidato sa Magic 12 ng senatorial race.


Parehong nasa Top 12 ang bar topnotcher na si Gibo Teodoro at outstanding PNP chief na si Gen. Guillermo Eleazar.


Ibig sabihin, namumulat na ang tao sa matinong pagpili ng mga kandidato.


◘◘◘


TALIWAS sa ilang big time candidates na naglulustay ng milyones sa media ads, walang gaanong propaganda sina Teodoro at Eleazar.


Puhunan lang ng dalawa ay malinis na track record, performance, integrity at academic excellence.


Silang dalawa lang ang may ganyang qualification sa lahat ng kandidato.


◘◘◘


MALAKING tulong sa bansa kapag nakapasok sa Senado ang topnotcher lawyer kaysa sa best actor.


Mas epektibo kapag naging senador ang top police officer kaysa sa police character.


◘◘◘


MAHIGPIT ang bakbakan sa huling apat na slot sa Magic 12 sa senatorial race lalo pa’t hindi pa nagsisimula ang official campaign period.


Malaya pa ring mag-isip at kumursunada ang mga botante kung anong numero ang mamarkahan sa balota.


◘◘◘


SISIMULAN na ang vaccination sa mga may edad 15 hanggang 12 years old laban sa COVID-19.


Paano kung biglang maglaho ang COVID-19 na parang bula?


◘◘◘


SAAN kaya mapupunta ang mga bakuna na malapit nang ma-expire?


Dapat wala nang tsetse-buretse sa pagsala sa babakunahan.


Walang kung anu-anong tanung-tanong pa.


Bakuna kung bakuna, wala nang ek-ek!


◘◘◘


SA ibang bansa tulad ng US, ayaw nang mag-booster ang mga tao, kaya’t sobra-sobra ang supply ng bakuna.


Pero dahil umaatake ang Omicron variant, pinaparalisa ulit sila ng COVID-19.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page