top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Paalala na mag-ingat sa mga pagkakatiwalaan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 28, 2021
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | April 28, 2021



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Oliver ng Gapan, Nueva Ecija.


Dear Maestra,

Magandang araw sa inyo! Araw-araw ay inaabangan ko ang nagtitinda ng BULGAR dito sa amin para basahin ang column n’yo. Libang na libang ako sa pag-aanalisa n’yo sa mga panaginip ng mga mambabasa, kaya naisip kong magpaanalisa rin ng aking panaginip.

Napanaginipan kong may nagbigay sa akin ng malaking birthday cake kahit hindi ko naman birthday, pero tuwang-tuwa ako. Sinindihan ko ang kandila at hinati-hati ang cake. Ano ang ibig sabihin nito?


Naghihintay,

Oliver


Sa iyo, Oliver,

Maganda ang ipinahihiwatig ng panaginip mo dahil kasaganaan at magandang kalusugan ang ibig sabihin nito. Kahit ngayon ay nasa panahon tayo ng pandemya, hindi ka kailanman kakapusin sa pang-araw-araw mong pangangailangan. Bagkus, lalo ka pang sasagana at patuloy na makakaisip ng iba’t ibang klase ng negosyo. Ang kalusugan mo ay hindi rin maaapektuhan dahil kumpleto ka ng supplement para manatili kang ligtas laban sa anumang sakit at karamdaman.


Paalala, kaunting pag-iingat pa rin ang dapat mong gawin. Huwag ka gaanong magtiwala sa mga nakakasalamuha mo. May kaunting problemang uusbong sa huling negosyo na pinasukan mo. ‘Yan ang ipinahihiwatig na hinati-hati mo ang cake. Hanggang dito na lang at sana ay nasiyahan ka sa pag-aanalisa ko sa panaginip mo.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page