top of page
Search
  • BULGAR

Pa-tarpaulin ni Mayor Sara, binanatan ni Yorme Isko

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | February 25, 2021



YORME ISKO, BINANATAN ANG MGA TARPAULIN NI MAYOR SARA—Bagama’t hindi direktang pinangalanan, ayon kay Manila Yorme Isko Moreno ay mas bumaha sa Maynila ang tarpaulin, hindi ang vaccine.


Malamang, ang nagkalat na tarpaulin ni Mayor Sara Duterte na may katagang “Run Sara Run” ang binabanatan nito.


May dahilan talagang batikusin ni Yorme ang mga tarpaulin ng pulitiko na nagkalat ngayon, hindi lang sa Maynila kundi pati sa iba’t ibang panig ng bansa kasi ang kailangan ng madlang pipol ay bakuna kontra COVID-19, hindi tarpaulin na “Run Sara Run”, boom!


◘◘◘


PARA NAMANG “NANLILIMOS” NG BAKUNA SA UK AT GERMANY SI SEC. BELLO—Ayon kay Sec. Silvestre Bello III, nakahanda ang Duterte gov’t. na magpadala ng mga Pinoy nurse sa United Kingdom (UK) at Germany basta magbibigay ang dalawang bansang ito ng donasyong bakuna sa Pilipinas.


Hay naku, bilyones ang inutang ng Duterte gov’t. na pambili ng bakuna, tapos sa tema ng salita ni Bello ay parang “nanlilimos”, nagmamakaawa sa UK at German na magbigay ng donasyong bakuna sa Pilipinas, buwisit!


◘◘◘


MGA MANGINGISDANG PINOY, SA UN NA NAGPAPASAKLOLO—Humingi ng tulong sa United Nations (UN) ang Pamalakaya, samahan ng mga mangingisdang Pinoy, na pagsabihan ang China na huwag ipairal ang Coast Guard Law na nagbibigay-pahintulot sa Chinese Coast Guard (CCG) na barilin ang bangkang pangisda ng mga dayuhang mangingisda (kabilang ang mga Pinoy) na mapapadpad sa West Philippines Sea (WPS).


Pangamba ng mga mangingisdang Pinoy, dahil inaangkin ng China ang WPS ay baka barilin sila kapag nangisda sila sa dagat na sakop ng Pilipinas.


May punto ang Pamalakaya na sa UN na magpasaklolo kasi “nganga” lang ang Duterte gov’t. sa marahas na batas na ito ng China, period!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page