top of page
RUN WILD - BARBIE, NAPABILIB SI ALDEN SA PAGIGING WILD-IG _barbaraforteza.jpg

‘Pa-pogi points’ daw dahil nega sa online gambling… IVANA, NAKIRAMAY SA RIDER NA HINOLDAP AT PINATAY, ANAK DINALAW DIN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 19
  • 3 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | July 19, 2026



SPECIAL - IVANA, NAKIRAMAY SA RIDER NA HINOLDAP AT PINATAY, ANAK DINALAW DIN-IG _ivanaalawi

Photo: IG _ivanaalawi



Na-touched ang maraming mga kababayan natin sa ginawa ni Ivana Alawi na pagdalaw sa burol ng namatay na 46-anyos na motor taxi rider na si Fabio Norberte, Jr. matapos holdapin at saksakin ng ice pick ng pasaherong nagpahatid sa kanya sa Caloocan City nu’ng July 14.


Napakasimple ni Ivana nang dumating sa burol, naka-plain black blouse at pants lang ito at parang wala pang make-up.


Nagdala si Ivana ng ilang boxes ng gatas at diaper para sa 3-year-old na lalaking anak na naulila ng rider. Namatay na rin daw ang nanay ng bata kaya ang lola na lang ang nag-aalaga rito. 


Wala pa kaming natanggap na info kung nagbigay din ng cash ayuda si Ivana, pero knowing her, sa sitwasyon ngayon ng naulilang bagets, eh, kusang-loob siyang magbibigay sa taba ng kanyang puso.


Ang ikinatutuwa at ikinapupuri ng mga netizens kay Ivana sa nag-viral na photos niya sa naturang burol ay naglalaan talaga ito ng oras para iparamdam ang kanyang pakikiramay at pagtulong sa mga kababayan nating may pinagdaraanan.


Sa kabila ng busy schedule ni Ivana, personal pa rin itong nagpupunta sa mga taong gusto niyang tulungan. Hindi raw lahat ng artista ay tulad niya. ‘Yung iba, makakaalala lang kapag panahon ng eleksiyon o ‘yung iba naman, kundi magpo-promote ng pelikula o TV show, eh, gagamiting content sa vlog.


In fairness kay Ivana, kahit naman nu’ng pandemic, consistent talaga siya sa pagtulong. Kaya sa mga nag-iisip na “pampapogi” lang niya ito ngayong naba-bash siya dahil sa kanyang iPhone giveaway promo na para raw sa ine-endorse niyang online gambling, eh, inggit-pikit na lang kayo. 





3 lang daw ang kuwarto sa condo…

MIKA, IKAMAMATAY DAW ANG P39K NA BILL SA KURYENTE



MIKA, IKAMAMATAY DAW ANG P39K NA BILL SA KURYENTE


NALOKA at talagang ikina-shocked ni Mika Salamanca ang kanyang latest Meralco bill na umabot sa P39 thousand!


Sa kanyang latest Instagram reel, habang nasa loob ng kanyang van at bumibiyahe ay may pa-“kuryente bill reveal” ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition Big Winner at siya mismo ay na-shocked nang makitang umabot nga sa ganu’n kalaki ang kanyang babayaran ngayong buwan.


Ang sentimyento ni Mika, lagi raw siyang wala sa bahay dahil busy sa kanyang showbiz career at tatlo lang naman daw ang rooms sa condo niya, may isang TV, isang electric fan at bihira ring gamitin ang oven.


Well, hindi naman nag-iisa si Mika sa pambubulabog sa Meralco dahil sa sobrang taas nga ng singil sa kuryente.


Kaya nang sabihin ni Mika na ikamamatay niya ang pagbabayad ng ganito kataas na bill sa kuryente, eh, tiyak na relate much ang marami sa kanya, lalo na si Barbie Imperial na ganito rin ang reaksiyon nang makita ang Meralco bill niya.





FINALLY ay engaged na ang sexy actress na si Yassi Pressman sa kanyang longtime boyfriend na si Camarines Sur 2nd District Representative Luigi Villafuerte.


Kagabi, July 18, ay nag-post si Yassi sa kanyang Instagram account ng ilang photos at short videos ng naganap na marriage proposal sa kanya ni Cong. Luigi.


Naganap ang proposal sa tila isang farm kung saan may naka-setup na parang catering table sa kanilang background.


Sa video post ni Yassi, makikitang umiiyak siya at nagsabing “Guess what?” kasunod ang pagpapakita ng kanyang engagement ring, habang nakatayo naman sa likuran niya si Cong. Luigi. 


February, 2024 nang ma-hard launch ang relasyon nina Yassi at Cong. Luigi nang mag-share sila ng video habang sila’y naghahalikan.


After that, mas madalas nang makitang nasa CamSur si Yassi na hitsurang First Lady na ang datingan dahil laging kasama sa mga public events ng kongresista.

May mga naniniwala ring nagli-live-in na sila dahil nga laging nandu’n si Yassi at kasamas ang boyfriend.


Marami namang mga showbiz friends ni Yassi ang bumati sa kanyang engagement kabilang na sina Karen Davila, Jericho Rosales, Nadine Samonte, Yam Concepcion, Kim Atienza, Jessy Mendiola, Jugs Jugueta, Charlie Dizon among others.

Congratulations, Yassi and Cong. Luigi!!!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page