top of page
Matet de leon - FB.jpg

P9.50 rollback sa diesel, P5 gasoline

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 days ago
  • 1 min read

ni Jeff Tumbado @News | June 20, 2026



P9.50 rollback sa diesel, P5 gasoline

Photo: File



Posibleng magkaroon ng panibagong bawas-presyo sa petrolyo sa susunod na linggo matapos bumaba ang presyo ng langis sa pandaigdigang merkado kasunod ng pansamantalang kasunduan sa pagitan ng Estados Unidos at Iran.


Ayon sa pagtaya ng industriya, maaaring bumaba ng P7.50 hanggang P9.50 kada litro ang presyo ng diesel habang P3 hanggang P5 kada litro naman sa gasolina.


Batay sa isang industry source, nagsimula nang isaalang-alang ng oil market ang posibleng muling pagbubukas sa Strait of Hormuz at ang pagbabalik ng suplay ng krudo mula sa Middle East matapos lumagda sa isang kasunduang pangkapayapaan ang Washington at Tehran.


May 60 araw ang mga negosyador upang maisapinal ang mas malawak na kasunduan.

Gayunman, ang pinal na galaw ng presyo ay nakadepende pa sa mga natitirang araw ng kalakalan bago ihayag ng mga kumpanya ng langis ang opisyal na pagbabago sa presyo ng petrolyo para sa susunod na linggo.


Inaasahang ipatutupad ng mga kumpanya ng langis ang bawas-presyo sa Martes, June 23.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page