P8M ayuda para sa La Niña, ibinigay sa Batanes
- BULGAR

- May 25, 2024
- 1 min read
ni Eli San Miguel @News | May 25, 2024

Naglaan ang Office of Civil Defense (OCD) ng P8 milyong halaga ng tulong para sa Batanes, na madalas tamaan ng bagyo, bilang paghahanda para sa La Niña weather phenomenon.
Magdadala ang La Niña, na kadalasang sumusunod sa isang El Niño weather event, ng mas maraming ulan kaysa sa karaniwan, ayon sa state weather bureau.
“Batanes is prone to strong typhoons and is always isolated,” ani Office of Civil Defense Administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno sa isang pahayag.
“The key is pre-positioning adequate relief goods and equipment so these will be available immediately when they need them,” saad niya.
Bahagi ng assistance package ang pitong generator sets, non-food items, shelter repair kits, hygiene kits, at mga tali na makakatulong sa mahigit sa 400 pamilya.





Comments